Miss Intercontinental 2018: Miss Vietnam, ginaya ang magma gown at lava walk ni Catriona Gray

by Jojo Gabinete
Jan 27, 2019
PHOTO/S: Twitter / Instagram

Puwede nang magretiro ang manghuhulang buong ningning na nagsabing hindi mananalo sa 47th edition ng Miss Intercontinental si Karen Gallman ng Pilipinas.

Ito ay dahil si Karen ang unang Pilipina na nagwagi ng nasabing karangalan sa grand coronation na ginanap kagabi sa Mall of Asia Arena.

 IMAGE Binibining Pilipinas Twitter
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaya ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, Filipino-Australian si Karen na unang sumabak sa Binibining Pilipinas noong 2012 pero hindi naging masuwerte.

Suportado si Karen ng mga kababayan nating iwinawagayway ang bandila ng Pilipinas, malakas ang sigawan at palakpakan sa tuwing tinatawag ng host ang pangalan niya.

Nakatanggap si Karen ng suporta mula sa kanyang fellow Binibining Pilipinas beauties—sina Bb. Pilipinas Supranational 2018 Jehza Mae Huelar at Bb.Pilipinas Globe 2018 Michele Gumabao.

Nanood din si Ian Garton, ang fiancé ni Karen na tuwang-tuwa sa tagumpay ng kanyang future wife.

Ian Garton
 IMAGE Jojo Gabinete
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Billy Crawford ang host ng finale show ng Miss Grand Intercontinental, isa ang American actor na si Lorenzo Lamas sa mga hurado, at guest performer ang The Platters member na si Keith Tynes ng The Platters.

Hindi napigilan ni Lamas na yayain ang audience na kumanta at sumayaw nang kantahin ni Tynes sa intermission ang isang upbeat song.

Karen Gallman and Lorenzo Lamas
 IMAGE Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sadly, hindi napuno ng tao ang massive venue ng coronation night ng Miss Intercontinental.

Mas nagmukhang siksik, liglig at umaapaw ang event ng Miss Intercontinental Organization kung ginanap ito sa Aliw Theater o Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila.

May problema sa sahig ng stage kaya marami sa mga kandidata, kabilang si Gallman, sa mga muntik nang madulas sa introduction portion ng mga kandidata.

Nakaw-eksena si Miss Vietnam Ngan Anh Le Au, ang fourth runner-up na nakasali sa Top 6 dahil siya ang nanalo ng People’s Choice Award.

Miss Vietnam Ngan Anh Le Au & Miss Universe Catriona Gray
 IMAGE Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinag-uusapan sa MOA Arena na mula sa mayaman na pamilya ang Vietnam delegate kaya nanalo siya ng People’s Choice Award dahil ginastusan niya ang mga text vote.

Kung ipina-copyright ni Catriona Gray ang kanyang magma gown na ginamit, signature walk and pose, walang alinlangang mahahatulan na guilty si Miss Vietnam na" second-rate, trying hard, copycat" dahil kinopya niya ang design ng gown, paglalakad at pose ng reigning Miss Universe.

Obvious ang panggagaya ni Miss Vietnam kay Catriona kaya pinalakpakan siya ng audience sa long gown competition.

Dahil sa kanyang ginawa, hindi maiwasan na umani si Miss Vietnam ng mga batikos mula sa Pilipino, pero irrelevant na ito dahil nagtagumpay siya na makuha ang atensiyon ng lahat.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Twitter / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results