Louise delos Reyes, inatake ng asthma

Sa pamamagitan ng kanyang manager, humingi ng paumanhin si Louise delos Reyes sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) dahil hindi siya makakarating sa PEP Live na nakatakda ngayong Martes, January 29, 10 A.M.

 IMAGE Noel Orsal

Sinumpong ng asthma si Louise kaya nahihirapan siyang huminga.

Ito rin ang dahilan kaya hindi rin niya nasipot ang live guesting nila ni Xian Lim sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN para sa promo ng kanilang pelikulang mapapanood sa mga sinehan simula sa February 6—ang Hanggang Kailan ng Viva Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong nakaraang linggo, na-confine si Louise sa ospital dahil pa rin sa asthma attack.

Hiniling ng manager ni Louise na kung maaari, kausapin na lamang ang aktres sa pamamagitan ng phone patch dahil gustung-gusto talaga niya na makasipot sa PEP Live, pero naging sagabal ang pag-atake ng kanyang asthma.

Ang Hanggang Kailan ang unang pagtatambal sa pelikula nina Xian at Louise.

Sinabi ni Xian sa PEP.ph na dialogue heavy ang pelikula at may mga love scene sila ni Louise na kailangan sa kuwento ng pelikula.

Bukod sa lead actor, co-producer din si Xian ng Hanggang Kailan, na nagustuhan agad niya sa kanyang unang pagbasa sa script.

Si Bona Fajardo ang direktor ng Xian-Louise starrer at kinunan ang mga eksena nito sa Saga, Japan.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN