Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Robin Padilla, ano ang sikreto kaya parang di tumatanda ang hitsura?

by Jojo Gabinete
Jan 30, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Fifty years old na si Robin Padilla sa November 23, 2019, pero kabilang siya sa iilang mga artista na habang nagkakaedad, pabata nang pabata ang hitsura kaya parang natagpuan niya ang fountain of youth.

 IMAGE Noel Orsal

May nakapagsabi sa Cabinet Files na coconut oil lang ang ipinapahid ni Robin sa mukha.

Continue reading below ↓

Tila effective naman ang resulta dahil mas bata ang hitsura niya at walang maniniwala na magiging Golden Boy na siya.

Hindi kami magtataka kung madagdagan ang mga kalalakihang gagamit ng coconut oil sa kanilang mga mukha para ma-achieve ang youthful appearance ni Robin.

Nanggaling ang coconut oil mula sa bunga ng niyog na itinuturing na "tree of life" dahil walang tapon at napapakinabangan ang lahat ng bahagi.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bukod sa coconut oil, malakas ang disiplina ni Robin sa katawan dahil pinipili niya ang mga kinakain kaya hindi siya tumataba.

Malaki rin ang kinalaman ng hindi pagkain ng aktor ng karne mula nang mag-convert siya sa Islam noong dekada ’90.

Sa recent presscon ng kanyang action-drama movie na Bato: The Gen. Ronald Dela Rosa Story, nakita namin ang pagiging natural gentleman ni Robin.

Lingid sa kaalaman ng action superstar, napansin namin nang pagpalitin niya ang mga pangalan nila ni Beauty Gonzalez para ito ang nasa gitna ng presidential table.

Continue reading below ↓

Postscript: Sinuportahan ng mga kaibigan at pamilya ni Robin ang red-carpet premiere ng kanyang pelikula na ginanap sa Cinema 1 and 2 ng SM Megamall kagabi, January 29.

Kasama ni Mariel Rodriguez na dumating ang kanyang maternal grandparents at nang makita sila ng female host, buong pagmamalaki nitong isinigaw na "Let’s welcome Mommy Eva Cariño Padilla!"

Of course, fake news ang hatid ng female host na obvious na hindi kilala nang personal ang nanay ni Robin at ang lola ni Mariel dahil nang lumabas kami ng sinehan, paparating pa lang si Mrs. Eva Cariño at ang anak nitong si Rommel Padilla.

(Top) Rommel Padilla and Eva Carino Padilla; (bottom) Mariel Rodriguez with her grandparents
 IMAGE Jojo Gabinete
Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Robin Padilla
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results