Tuwang-tuwa ang ating mga kababayan sa rehabilitation sa Manila Bay na nagsimula noong January 27, 2019 dahil nagkaroon agad ito ng magandang resulta—luminis ang breakwater, lumitaw ang migratory birds, at dumami ang mga taong namamasyal para pagmasdan ang isa sa mga world-famous sunset.
Sana nga, hindi ningas-kugon ang paglilinis sa Manila Bay at, higit sa lahat, pairalin ng bawat isa ang disiplina para hindi na bumalik sa dating pangit, mabaho, at maruming hitsura ang lawa na immortalized sa maraming pelikula.
I honestly did not think it would happen in my generation. Or in any generation. Manila Bay looking like this. Spectacular.
— Antokin (@Antokin_LOTRO) January 30, 2019
I honestly did not think there was hope for this area, or that a leader will be able to move 5,000 people to clean up Manila Bay.… https://t.co/X4jCdDYUCT pic.twitter.com/OoORuoGdBE
Unang napanood ang Manila Bay sa 1898 American movie na Battle of Manila Bay, ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila at Amerikano na halaw sa mga tunay na pangyayari noong May 1, 1898.
Black and white ang pelikula na ginamitan ng direktor na si J. Stuart Blackton ng cardboard-cutouts battleships at usok na mula sa kanyang tabako.
Sino ang makakalimot sa eksena ni Nora Aunor na itinapon sa Manila Bay ang ill-gotten dollars sa 1984 movie na Condemned, isa sa mga favorite movie ni Gloria Romero na sagad sa kasamaan ang karakter na ginampanan?

Napanood ang Manila Bay sa City After Dark, ang critically-acclaimed at controversial movie ng Regal Films noong 1980 na may original title na Manila By Night.
Sa 2003 movie na Babae sa Breakwater, parang naamoy ng moviegoers ang baho ng Manila Bay dahil sa maruming paligid nito habang pinanonood nila ang launching movie ng erstwhile bold actress na si Katherine Luna at mula sa direksiyon ng namayapa at iginagalang sa industriya na si Mario O’Hara.

Ginamit din ang Manila Bay sa mga eksena ng Sarong banggi, ang pelikula ni Jaclyn Jose na nagbigay sa kanya ng Urian best actress award noong 2006 at Cinemalaya best actress trophy noong 2005.
Unforgettable sa fans ng original Temptation Island (1980) ang pagsabog sa Manila Bay ng yatch na sinasakyan nina Azenith Briones, Jennifer Cortez, Bambi Arambulo, Dina Bonnevie, at Deborah Sun.
Sariwang-sariwa pa sa alaala ni Ricky Davao ang eksena nila ni Dina Bonnevie sa isang yate para sa Magdusa Ka, ang 1986 film ng Viva Films.

"I had a scene with Dina sa yatch in Manila Bay with the beautiful sunset as background. Si Eddie Garcia ang direktor.
"It’s about time na ma-rehabilitate ang Manila Bay, dapat noon pa. I’m praying it’s not too late.
"Eyesore talaga ang mga basura and also the foul smell. It’s hazardous to our health if you swim there now.
"Manila Bay is a world-renowned tourist spot.
"Kapag na-rehabilitate ang Manila Bay, tayong mga local will also benefit and enjoy the bay and the beautiful sunset," sabi ng premyadong aktor.
REAL-LIFE EXPERIENCES
Naging bahagi rin ng mga buhay nina Ai-Ai delas Alas at Diana Zubiri ang Manila Bay.
Natatandaan ni Ai-Ai na naranasan niyang maligo sa Manila Bay noong bata pa siya (dekada ’70).
Kinunan din sa Manila Bay ang mga eksena nila ni Vic Sotto sa My Bebe Love, ang kanilang pelikula na official entry sa Metro Manila Film Festival noong December 25, 2015.
Hindi lamang ang kanyang eksena sa Liberated 2 (Seiko Films, 2004) na kinunan sa Manila Bay ang fond memory ni Diana Zubiri, dahil memorable sa kanyang nagkatrabaho sila ng veteran actress na si Anita Linda sa naturang lugar.

MANILA BAY SUNSET
May personal story naman tungkol sa Manila Bay ang film critic at former television host na si Butch Francisco.
Bago siya nagpatayo at lumipat sa kanyang bahay sa New Manila, Quezon City, matagal na nanirahan si Butch sa penthouse ng LPL condominium sa Greenhills, San Juan City.
Mula sa unit ni Butch, makikita ang kabuuan ng Manila Bay at ang kumikislap na tubig nito kapag tinatamaan ng sikat ng araw, isang dahilan kaya nahirapan siyang iwanan ang dating tahanan.
"I’ve always been in love with Manila Bay, the only reason I couldn’t leave my penthouse suite was because it had the view of the bay.
"One Good Friday, the full moon reflected on the bay waters and that’s the most memorable image in my head to this day.
"For a while, I considered moving to Marina Bay area but there are days when the bay stink.
"Looking back, I should have not considered it.
"They should stop the over development to the save the bay. I started admiring Senator Cynthia Villar because she’s against that too.
"The rehabilitation of Manila Bay is good. Baguio City should be next," sabi ni Butch sa Cabinet Files.
Makikita rin mula sa penthouse suite ni Willie Revillame sa Wil Tower ang kagandahan ng Manila Bay.
At sana nga, maibalik ang lost glory ng look na inabuso ng mga walang disiplina na Pilipino.