Scarlet Snow Belo, pinakabatang People's Choice awardee ng People of the Year

by Jojo Gabinete
Jan 31, 2019
PHOTO/S: Instagram

History maker ang three-year-old social media star na si Scarlet Snow Belo dahil siya ang pinakabatang People’s Choice awardee ng People of the Year ng People Asia.

Ginanap ang awarding ceremony sa grand ballroom ng Marriott Hotel sa Pasay City, Miyerkules ng gabi, January 30.

Ang pagkakaroon ni Scarlet ng 2.8 million followers sa Instagram at mga product endorsement ang ilan sa dahilan kaya ipinagkaloob sa kanya ng People Asia ang karangalang natanggap din noong 2016 ng kanyang ina—ang celebrity beauty doctor na si Dra. Vicki Belo.

Nagpasalamat naman si Dra. Belo sa bagong achievement ng anak na bunso.

"Thank you everyone out there for voting our baby @scarletsnowbelo to be people’ Asia magazines #peopleschoiceawardee for 2019.

"She is the youngest person to ever receive this award. She’s only 3 years old so she really has no idea what this means.

"But we will keep the magazine for her so that when she’s older she’ll understand how kind and loving people were to her from when she was a baby," mensahe at pasasalamat ni Vicki sa lahat ng mga supporter ng kanyang anak.

Continue reading below ↓

Sina Hayden Kho, Jr. at Vicki ang kasama ni Scarlet nang umakyat ito sa stage para tanggapin ang kanyang award.

Sina Heart Evangelista, Lani Misalucha, Hidilyn Diaz, ang businessman na si Joey Concepcion, DPWH Secretary Mark Villar, at ang National Artist for Music na si Ryan Cayabyab ang ilan sa People of the Year co-awardees ni Scarlet.

Continue reading below ↓
 IMAGE Courtesy of Joji Dingcong
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results