Hindi maipagkakaila na anak talaga ni Gary Estrada si Kiko Estrada dahil parehong Inglesero ang mag-ama.
Napatunayan ito ng entertainment writers sa presscon ng pelikulang Bato: The Gen. Ronald Dela Rosa Story.

Kahit Tagalog ang mga tanong kay Kiko, Ingles ang lahat ng sagot nito.
Pero nang tumagal, nagsalita na rin siya sa wikang Tagalog at nagsabi ng "Magta-Tagalog naman ako, kanina pa ako nag-i-Ingles."
Nagustuhan ng ilang entertainment reporters ang pagiging kaswal at totoo ng 23-year-old actor.
Nagmula si Kiko sa angkan ng mga artista, kaya hindi nakapagtatakang magaling na aktor siya. Ito ang napansin namin sa kanyang performance sa film bio na pinagbibidahan ni Robin Padilla.
Si Kiko ang gumanap na young Robin sa pelikula at kitang-kita sa kanyang mga eksena ang sensitivity niya bilang aktor.
Mahal na mahal din siya ng mga camera dahil nagmumura ang kaguwapuhan niya sa big screen.
Pero tahasang sinabi ni Kiko na mas gusto niyang makilala bilang aktor kaysa maging matinee-idol material.
Ito raw ang dahilan kung bakit hindi siya natatakot tumanggap ng contravida roles.
"I believe that longevity is the key to success. I don’t really like to be famous. I just to want stay here for long and be good.
"I wanna produce quality works. Gusto ko yung mga gagawin ko, panoorin at magiging proud sa akin yung family members ko or future family ko," pagsusuri ni Kiko sa kanyang showbiz career.
Dagdag niya, "Gusto ko lang na magkaroon pa ng mga film. I just wanted to be that successful.
"I just don’t want to be a blockbuster star. My plan A is to stay here forever, have a good career and good roles."
Tinanong ng Cabinet Files kung ano ang biggest achievement niya bilang actor to date.
Sagot ni Kiko, "I invested my time to reading scripts and I invested my time to more reading so, I guess, that’s my biggest investment."
Sundot ulit ng Cabinet Files: Hindi material things ang investment mo?
"I don’t like material things. I’m still young," saad ni Kiko.
Tungkol sa pag-ipon upang makabili ng bahay o kotse, sabi ng binata, "I’ll earn this year and I will save up for that, but those are not even important."