Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Matteo Guidicelli, makakasama na ni Sarah Geronimo sa Viva

by Jojo Gabinete
Jan 31, 2019

Kumpirmadong tulad ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo, contract star na rin ng Viva Artists Agency si Matteo Guidicelli.

 IMAGE Courtesy: @SarahG_MatteoG on Twitter

Marami ang nasorpresa dahil kasama si Matteo sa audi- visual presentation ng mga artista ng VAA sa "Grateful," ang thanksgiving party ng Viva para sa mga advertiser na ginanap sa Makati Shangri-La ngayong tanghali, January 31.

Continue reading below ↓

Matagal na contract artist si Matteo ng Star Magic, ang talent management company ng ABS-CBN hanggang magdesisyon siyang lumipat sa Viva Artists Agency.

Nagsara ang negosasyon sa pagitan ng VAA at ni Matteo noong nakaraang linggo.

Reportedly, parehong kagustuhan nina Sarah at Matteo na isang talent management agency na lang ang mamamahala sa kanilang mga career.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ikinatuwa ng fans ng dalawa ang balita dahil umaasa silang magkakaroon ng movie projects sa Viva Films na magkasama sina Matteo at Sarah, pero malabo ang posibilidad.

Diumano, may usapan ang real-life lovers na hindi magsasama sa mga pelikula, kahit nasa iisang bakuran na sila.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results