Jay Durias, nilinaw na buo pa rin ang South Border

Jay Durias, nilinaw na buo pa ang South Border
by Jojo Gabinete
Feb 1, 2019
PHOTO/S: Jay Durias Instagram

"Buo pa rin ang South Border, laos lang."

Ito ang pabirong sagot ni Jay Durias nang tanungin tungkol sa pagkabuwag ng kanilang grupo na namayagpag sa local music scene noong dekada ’90.

View this post on Instagram

A post shared by Jay Durias (@jayoliverdurias) on

Kidding aside, sinabi ni Jay na buo pa rin ang South Border pero siya na lang ang natitira sa original members.

Marami ang nagtatanong kay Jay kung may plano ang grupo nila na magkaroon ng reunion concert dahil sa clamor ng South Border fans.

"Nasa States na lahat, ako na lang ang nandito sa Pilipinas.The only members sa original, nasa U.S. na.

"Si Brix Ferraris, ayaw na. Nahanap namin siya sa Las Vegas, pero ayaw na talaga," kuwento ni Jay.

Masuwerte si Jay dahil nagawa niyang hanapin si Brix dahil hindi ito makita noong panahong hinahanap ng kanyang ex-wife na si Amy Perez para ayusin ang kanilang annulment case.

Nakausap si Jay ng Cabinet Files sa presscon ng Playlist: The Best of OPM, ang concert ng mga pinagsama-samang soloists ng mga sikat na banda na magaganap sa Smart Araneta Coliseum sa March 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Featured performers sa Playlist sina Jay, Joey Generoso, Jinky Vidal, Juriz Fernandez, at Medz Marfil.

Makakasama rin nila sina Ice Seguerra at Janine Tenoso.

Ikinuwento ni Jay na nagugulat siya dahil kahit hindi na active ang Southborder, alam na alam ng mga kabataan ngayon ang mga kantang pinasikat nila simula noong 1993.

Bukod sa performer, si Jay ang musical director ng Playlist.

Siya ang gumawa ng bagong areglo ng "Kailan," ang first hit song ng Smokey Mountain noong 1989 na ni-revive ni Ice.

Inawit ni Ice ang version niya ng "Kailan" sa presscon ng Playlist at tumanggap siya ng masigabong palakpakan dahil sa kanyang napakahusay na rendition at perfect arrangement ni Jay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jay Durias Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results