Kissing scene sa movie nina Enchong Dee at Janine Gutierrez, required!

by Jojo Gabinete
Feb 2, 2019
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram

Si Janine Gutierrez ang title role sa Elise, ang pelikula ng Regal Entertainment Inc., na magbubukas sa mga sinehan sa February 6, 2019, pero umiikot ang kuwento ng pelikula sa kanyang leading man na si Enchong Dee.

Ang Elise ang second movie team-up ng dalawa. nagkatrabaho na ang dalawa sa horror movie na Lila noong 2016. 

Enchong Dee and Janine Gutierresz top-bill Elise, the Chinese New Year offering of Regal Films.
 IMAGE @janinegutierrez on Instagram
Continue reading below ↓

Ito rin daw ang pinaka-challenging role to date ni Enchong dahil mula sa point of view niya ang kuwento ng pelikula.

Bidang-bida si Enchong ang nagkakaisang opinyon ng mga dumalo sa press preview ng Chinese New Year presentation ng Regal Entertainment Inc.

Hindi nababanggit sa mga publicity ng Elise na kasama sa cast ang real-life lola ni Janine na si Pilita Corrales at real-life tita niyang Jackie Lou Blanco —na gumaganap sa pelikula bilang lola at nanay, respectively, ni Enchong.

Hindi press release ang mga balita na may mga kissing scene sina Janine at Enchong dahil bilang lovers, required na maghalikan sila sa bagong project ng direktor na si Joel Ferrer.

"The movie talks about love, moving on and loving again…finding your purpose in life," ani Ferrer.

Ang Elise ang biggest movie break ng O Shopping host na si Victor Anastacio at ni Miss World Philippines 2017 Laura Lehmann.

Para sa isang baguhan, malaki ang potensiyal ni Laura na maging mahusay na aktres dahil sa natural acting ability na ipinamalas niya.

Continue reading below ↓

Si Laura ang gumanap na girlfriend ng karakter ni Enchong pero hindi sila nagkatuluyan dahil may ibang plano ang kanyang mga magulang.

Best friend naman ni Enchong ang role ni Victor, at sa nakaraang presscon ng Elise, nabanggit ni Janine na matagal nang "hot" ang kanyang leading man na madalas na topless sa mga dance number nito sa TV.

Pero sa kanilang pelikula, ipinaubaya kay Victor ang paghuhubad dahil sa kanyang mga eksena na walang pang-itaas at paglalakad sa kalye na underwear lamang ang suot—isang bagay na imposibleng gawin ni Enchong sa silver screen.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results