Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Rayver at Rodjun Cruz, namana ang galing sa pagsasayaw kay Mommy Beth

by Jojo Gabinete
Feb 3, 2019
PHOTO/S: @rodjuncruz on Instagram

Rayver and Rodjun Cruz with their mom Beth
 IMAGE @rodjuncruz on Instagram

Nakita ng Cabinet Files si Elizabeth "Beth" Cruz sa huling gabi ng burol ni TJ Cruz noong November 24, 2018, sa Funeraria Paz, Paranaque City.

Si TJ ang anak nina Tirso at Lynn Cruz na sumakabilang-buhay dahil sa lympathic cancer at pamangkin siya ni Beth, na ina nina Rodjun at Rayver Cruz.

Continue reading below ↓

Masiglang-masigla noon si Beth na kilala rin sa tawag na Melody, at kasali sila ni Rodjun sa send-off dance para kay TJ. Mapapansin sa dance video na minana nina Rodjun at Rayver mula sa kanilang ina ang husay sa pagsasayaw.

READ Tirso Cruz III and the Cruz clan dance in honor of Teejay

Noong January 2019, na-diagnose na may pancreatic cancer si Beth na siyang naging dahilan ng pagpanaw niya.

Two months later, ang mga labi naman ni Beth ang nakalagak sa funeral homes na pinagburulan sa anak nina Tirso at Lynn.

Devastated ang magkapatid na Rodjun at Rayver sa pagpanaw ng kanilang pinakamamahal na ina.

Ulilang lubos na sina Rodjun at Rayver dahil unang namatay noong October 19, 2009, ang kanilang ama na si Rodolfo Ilustre.

Si Rodolfo ang tatay ni Gino Ilustre, ang former sexy actor na dating contract star ng Seiko Films at half-brother nina Rodjun at Rayver.

Continue reading below ↓
Gino Ilustre
 IMAGE Facebook

Ilang oras matapos malagutan ng hininga ang kanilang ina, naglabas din sa Instagram si Rayver Cruz ng saloobin tungkol sa malungkot na pangyayari sa buhay nila.

"Parang panaginip lang ang lahat na sana pag gising ko ikaw agad ang makikita ko na masaya, masigla, at punong puno ng ligaya.

"Napakahirap sa pakiramdam, hindi ko alam ang gagawin ko dahil ngayon palang miss na miss na kita.. Bilib ako sa’yo mama lumaban ka ng husto para sa aming tatlo at kahit sa kahuli- hulihan kami pa ring mga anak mo ang iniisip mo.

"Maraming salamat sa lahat mama ngayon ay makakapahinga ka na sa isang napakagandang lugar kung saan ay pede kang sumayaw at kumanta kasama ang mga anghel at ang ating Panginoong Diyos, mahal na mahal kita mama, palagi kang mananatili sa puso at isipan ko kahit na anong mangyari, paalam aming Reyna,” ang mensahe ng pamamaalam ni Rayver para sa nanay niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @rodjuncruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results