Regine Velasquez at Vice Ganda, may isang special guest sa Valentine concert nila

by Jojo Gabinete
Feb 4, 2019

Si Robin Padilla ang special guest sa The Songbird and The Song Horse, ang three-night Valentine concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda sa Smart Araneta Coliseum sa February 14, 15, at 16.

Hindi pa inilalabas ang listahan ng mga special guest nina Regine at Vice sa unang pagkakataong pagsasama nila sa concert, pero may nagparating sa Cabinet Files na ang action superstar ang nag-iisang bisita sa The Songbird and The Song Horse.

Continue reading below ↓

Hindi pa nagkakaroon ng official announcement sina Regine at Vice, pero nag-umpisa na umano si Robin na pag-aralan ang mga kakantahin niya sa tatlong gabing Valentine show.

 IMAGE Noel Orsal

Bihirang-bihirang tumanggap si Robin ng mga singing engagement kaya big deal para sa kanyang mga tagahanga ang pagpayag niyang maging special guest sa concert nina Regine at Vice.

Continue reading below ↓

Inimbitahan si Robin sa 40th anniversary concert ni Sharon Cuneta noong September 2018, pero nagkaroon ng conflict sa schedule niya kaya hindi natuloy ang kanyang guesting.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results