Boots Anson Roa, hindi na umaasang magkaanak sila ng asawa pero "the playground is open"

by Jojo Gabinete
Feb 4, 2019
PHOTO/S: Nice Print Photo

Ipinagdiwang ng respected at veteran actress na si Boots Anson Roa ang kanyang 74th birthday noong January 30, 2019.

Simple lang ang birthday celebration ni Tita Boots dahil nagpunta sila ng kanyang asawa na si Atty. King Rodrigo, 79, sa favorite place nila sa Canyon Woods, Tagaytay City.

Continue reading below ↓
 IMAGE Nice Print Photo

"Ang kinain namin sardinas, saka garlic tuyo, fruits. Hindi kami nag-prepare. Naglabas siya ng brandy and then nag-toast kami—simple and quiet dinner," kuwento ni Tita Boots. 

Sapat na raw sa kanya ang intimate birthday celebration sa piling ng second husband, na pinakasalan siya noong June 14, 2014.

Patuloy ng beteranang aktres, "Then nagpatugtog ako ng piano collections from the Spanish selections at nagsayaw kami." 

Nang tanungin tungkol sa kanta na gusto niya na ialay para kay Atty. King, "Paano Kita Mapasasalamatan" ang mabilis na sagot ni Tita Boots.

Wala raw hiningi si Tita Boots na anumang birthday gift mula sa asawa niya, dahil may nakalaan na siyang special request dito ngayong 2019. 

"As early as four months ago, I told him already, 'Do not give me anything for Christmas or for my birthday and for the whole of 2019.

"'Do not give me anything for all the occasions. Mag-ipon ka lang ng pera, kasi ikaw ang magpa-publish ng libro ko,'" lahad ni Tita Boots.  

Continue reading below ↓

Pero sadyang thoughtful daw ang kanyang lawyer-husband. 

"You know, this guy is so generous. Kinausap pa rin niya yung pinsan ko. Meron siya na ibinigay na jewelry, which I like because it’s a good investment.

"Pero yun nga, sinabi ko sa kanya, basta pag-ipunan niya ang pagpa-publish nitong libro ko." 

Nang pabirong mapag-usapan ang posibilidad na magkaroon pa sila ng anak ni Atty. King sa kanilang mga edad, ito ang kuwelang komento ni Tita Boots:

"The factory is closed but the playground is open."

Samantala, Boots On ang naiisip ni Tita Boots na pamagat ng biography book na balak niyang ilabas sa kanyang 75th birthday sa 2020.

Tiyo ni Tita Boots si Vic Valenciano, ang pumanaw na ama ni Gary Valenciano. 

Noong nabubuhay pa si Vic, ito ang nagkumbinsi kay Boots na mag-publish ng libro tungkol sa buhay ng beteranang aktres.

Read Next
Read More Stories About
Boots Anson Roa, cabinet files
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Nice Print Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results