Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Atty. King Rodrigo, nagkuwento tungkol sa first night at shower escapade nila ni Boots Anson Roa

by Jojo Gabinete
Feb 4, 2019
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Naniniwala kami na ang pagiging masayahin at pagkakaroon ng malakas na sense of humor ang ilan sa character traits ni Atty.King Rodrigo, 79, na nagustuhan ng kanyang misis na si Boots Anson Roa, 74.

Nagpakasal ang dalawa sa Archbishop Palace noong June 14, 2014.

 IMAGE Jojo Gabinete

Makalipas ang limang taon, masayang nagkuwento ang veteran lawyer tungkol sa unang gabi nila ni Tita Boots bilang mag-asawa.

Continue reading below ↓

"Noong niyapos ko si Boots, ‘araaay’ ang sabi niya," bungad ni Atty. King. 

Sabi raw niya noon sa beteranang aktres, "Boots, wala pa!" 

Balik-tanaw pa ng abugado, napa-'aray' pala noon si Boots dahil nauntog ito sa headboard ng kama.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ngayon, mas chill na raw sila sa kanilang intimate moments. 

Pambubuking ng abugado sa kanyang misis, "Five years down the road, ang honeymoon namin ngayon, pareho kaming nakahiga. Sabi ni Boots, 'O ano, King, tonight? Okey! Apir!!!'" 

Nagkuwento rin si Atty. King na sabay sila kung maligo ni Boots. Mayroon daw silang unforgettable shower escapade sa isang hotel sa Bangkok, Thailand. 

"That was a disaster!" balik-tanaw ni Atty. King.

"We were in Bangkok, may malaking banyera sa hotel."

Nang maligo raw sila doon sa banyera o bathtub, ginamit daw nila ang regalo sa kanilang bubble bath soap.  

"Yung mga pamangkin ko, binigyan ako ng what they call 'The Bomb.'

"You throw it into the bathtub water and it bubbles up.

Continue reading below ↓

"Sabi nila, 'You try it with Tita Boots.'

"Sabi ko kay Boots, 'Let’s try it, once in awhile.'

"Hindi kami magkasya ng side by side sa banyera, so facing each other kami. We threw the bomb, it was nice!

"The problem was getting up. Madulas, we couldn’t stand up. Hahaha!

"I wish you could have immortalized that in a TV show. We must have looked funny trying to get up."

May double-meaning hirit pa si Atty. King na panay ang halakhak, "Talagang hindi na tumatayo… ah… makatayo!

"Alam mo yung making love is just an expression of love. There are many ways, 'I love you.'

"Then tapos na, na-express mo na yung love mo!" 

 IMAGE Jojo Gabinete
Continue reading below ↓

Dinugtungan ni Boots ang kuwento ng kanyang mister tungkol sa physical intimacy nila.

Pag-amin ng beteranang aktres, "Sa amin, iba ang ibig sabihin ng high five or apir. Ang aming physical life, e, medyo stale na." 

Kabisado na raw nila ang sagot ng isa't isa sa mga pagkakataong may isa sa kanilang nagyaya na magkaroon sila ng physical intimacy. 

"Sa gabi, kapag, ’O type mo ba?’ 'Pagod ako, e.' 'Gusto mo ba?' 'Hindi, huwag ngayon.'

"E, di sige. So maghaharap kami at mag-aapir. Yun na 'yon!"

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results