Chito Miranda, sinopla ang netizen na hinaluan ng network wars ang papuri niya kay Julie Anne San Jose

"Huwag haluan ng kabaduyan ng network wars."

Ito ang sagot ng Parokya ni Edgar lead singer Chito Miranda sa isang follower niyang nagsabi na magaling talagang singer si Julie Anne San Jose, pero hindi ito nabibigyan ng malaking break ng GMA-7 kaya dapat lumipat sa ABS-CBN ang Kapuso Network star para lalong sumikat.

Julie Anne San Jose and Chito Miranda
IMAGE Noel Orsal / Chito Miranda Instagram

"Sana ‘wag nating haluan ng kabaduyan ng network wars yung page ko hahaha.

"Wala tayong paki sa mga GMA vs ABS na ganyan at kung saan mas sisikat ang tao kasi di naman importante yun.

"Ang pinag-uusapan atin dito is kung gaano siya kagaling," ang walang paliguy-ligoy na sagot ni Chito sa commenter, na kinuyog ng mga nakiayon sa opinyon niya.

Nag-ugat ang "uncalled for" comment ng netizen sa papuri ni Chito sa performance ni Julie Anne San Jose sa February 3 episode ng Studio 7 ng GMA-7.

Kasama ni Julie Anne si Gabbi Garcia nang kantahin nila ang "Bagsakan," ang 2005 collaboration ng Parokya ni Edgar, ni Gloc-9, at ng pumanaw na Pinoy King of Rap na si Francis Magalona.

Bilib na bilib si Chito kay Julie Anne kaya ni-repost nito sa kanyang social media platforms ang video ng rapping talent ni Julie Anne, na gusto niyang"sabunutan" dahil sa sobrang galing.

Buong mensahe niya sa kanyang post: "Tingnan mo 'tong si Julie Anne San Jose.

"Una, gumawa ng version ng 'Your Song' na sobrang ganda. Sabi ko na lang: ang galing talaga nitong babaeng 'to.

"Tapos di pa nakuntento...binanatan nya pa yung stanza ni Gloc sa Bagsakan! Sobrang galing sarap sabunutan."

Ikinatuwa ng marami ang post ni Chito dahil sa kanyang ginamit na salita.

Dahil sa pahayag ni Chito, may halos 366,000 views na ang video ni Julie Anne na inilagay niya sa kanyang Instagram account.

Malayung-malayo ito sa 80,597 views sa video na naka-post sa IG ng Kapuso singer-actress.

May 1.4 million Instagram followers si Julie Anne at 1.1 million naman ang sumusubaybay sa Instagram account ni Chito.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN