Marvin Agustin, walang nararamdamang pagbabago ngayong 40 na siya

Ipinagdiwang ni Marvin Agustin ang 40th birthday niya noong January 29 sa pamamagitan ng Tao Expedition sa El Nido, Palawan.

Tao ang tawag sa adventure expedition sa El Nido, sakay ng isang old fishing boat na may 200-kilometer route sa mga remote village ng Northern Palawan.

Ito ang birthday gift ni Marvin sa sarili.

Teenager pa lang si Marvin nang magsimula noong 1996 ang kanyang showbiz career.

Ngayong 40 years old na siya, walang nararamdamang pagbabago sa kanyang edad ang isa sa mga bida ng Inagaw Na Bituin

"My age never really defines my disposition in life. It’s the experience and learnings I gather from life [that changed]," sabi ni Marvin sa Cabinet Files.

Para kay Marvin, ang kanyang pamilya at mga kaibigan ang itinuturing niyang biggest achievement.

Ang pagmamahal naman sa propesyon ang sikreto ng durability niya sa show business kaya ni minsan, hindi pumasok sa kanyang isip na talikuran ang pag-aartista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I am grateful to life for friends and family that I have.I enjoy my life and I love my job.

"I was enjoying my job as a waiter [at Tia Maria’s] before I got discovered as an actor.

"Definitely, I would be in a service-oriented industry if I didn’t become an actor. 

"I love performing, I love making people happy," pahayag ni Marvin.

Isa nang successful businessman si Marvin, bukod sa pagiging aktor, kaya natupad na ang karamihan sa kanyang mga pangarap mula nang magsimula ang acting career niya noong dekada ’90.

Inaasahang magiging asset si Marvin sa cast ng Inagaw Na Bituin 'tulad nang mapansin ang kanyang mahusay na pagganap sa Kambal, Karibal.

Tumanggap ng mga papuri si Marvin sa performance niya sa Kambal, Karibal at sa kanyang mga unscripted dialogue na posibleng gawin niya muli sa bagong afternoon television series ng GMA-7 na mapapanood simula sa darating na Lunes, February 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close