Alex Gonzaga at Xian Lim, magtatambal sa unang pagkakataon

Naganap ngayong hapon, February 7, ang story conference ng Love The Way You Lie, ang unang pagtatambal sa pelikula nina Xian Lim at Alex Gonzaga.

Ang magdidirek ng pelikula ay si Si RC delos Reyes, na siya ring nagdirek ng Mary, Marry Me, ang romantic-comedy movie na official entry ng Ten17 Productions sa 47th Metro Manila Film Festival noong December 2018 na pinagbidahan din ni Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Alex Gonzaga and Xian Lim with Direk RC delos Reyes
 IMAGE Jojo Gabinete

Sisimulan ang shooting ng Love The Way You Lie sa March.

Uunahin muna ni Xian na tapusin ang filming sa Georgia ng Untrue, ang pelikula nila ni Cristine Reyes.

Former contract star ng Viva si Alex pero hindi siya nakagawa ng pelikula, kaya ang Love The Way You Lie ang unang movie assignment niya sa kanyang dating home studio.

"Wala akong nagawa noon. Nakagawa lang ako sa TV5.

"Dati, ang daming na-conceptualize. Nag-pitch na rin sila, hindi lang talaga nag-push through.

"Everything happens for a reason so ito na yun," sabi ni Alex.

Nang sabihin ni RC na isang adult-comedy-naughty movie na may sexiness ang Love The Way You Lie, mabilis ang reaksiyon ni Alex.

"Ano lang, pinch lang. Kurot lang.

"Hindi naman siya sobrang OA na parang bubuhayin natin ang Seiko Films.

"Parang hindi naman papayag ang kataas-taasan," pabirong sabi ni Alex.

Kahit unang pelikula nila ang Love The Way You Lie, hindi intimidated sa isa't isa sina Alex at Xian dahil nagkasama na sila noon sa mga teleserye ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Higit sa lahat, kaibigan ni Alex ang girlfriend ni Xian na si Kim Chiu.

"Friend ko si Kim. Lagi kong nakakasama.

"Parang may affiliation kami ni Xian sa isa't isa. Hindi kami strangers," pahayag ni Alex.

Pinatotohanan naman ito ni Xian.

Aniya, "Ang maganda sa personality ni Alex, the way she is, parang basag na kasi agad yung wall.

"Kung meron mang wall, binabasag niya agad.

"Kapag may nararamdaman siya, binabasag niya agad."

One and only choice daw si Xian bilang leading man ni Alex, base sa paliwanag ni RC.

Saad ng direktor, "Noong nag-uusap kami kung sino ang leading man, naisip talaga namin si Xian dahil nandoon na siya sa level na puwede nang gumawa ng isang mature adult-romance comedy na hindi ko pa nakikita before."

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close