Xian Lim, nagpalaki ng tiyan para sa pelikula nila ni Cristine Reyes

Ginanap kagabi, February 7, ang story conference para sa Untrue, ang pelikula ng Viva Films at The Idea First Company na pagbibidahan nina Cristine Reye at Xian Lim.

Si Sigrid Andrea Bernardo ang magdidirek nito.

Xian Lim, Sigrid Andrea Bernardo, and Cristine Reyes
 IMAGE Jojo Gabinete

Lilipad sina Xian at Cristine sa Georgia sa February 15 para sa halos isang buwan na shooting nila sa bansang 30 lamang ang mga Pilipino, base sa research na ginawa ni Sigrid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa direktor, "Sa Georgia kasi, meron lang thirty Filipinos, they used to be fifty, so naghahanap ako ng bansa kung saan kokonti ang Pinoy.

"Nag-research ako, pumunta ako sa Georgia.

"Actually, it's my cinematographer na nag-suggest kung anong bansa because I was really looking for a country na konti ang Filipinos with rich culture.

"Sabi niya sa akin, ‘Why not Georgia?’ Akala ko, Georgia na states.

"Pero yung research ko, yung country, ang ganda-ganda ng lugar and it’s interesting.

"'Tapos gumawa ako ng kuwento, parang body lang, and when I went there, mas naging rich yung kuwento."

Sa kanyang unang pagpunta sa Georgia, nalaman ni Sigrid ang dahilan kaya mabibilang ang mga kababayan nating nagtatrabaho at naninirahan sa nabanggit na bansa.

"Una sa lahat, yung suweldo doon, e, halos kapareho rin ng suweldo sa Pilipinas.

"So, bakit ka pupunta sa bansa na pareho lang ang suweldo, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So yung mga nandoon, yung thirty Filipinos, asawa nila Georgian or asawa nila expats.

"Yung ibang professionals, like the head chef of a hotel, yung iba naman architects, mga contractual worker," sabi ni Sigrid.

Briefly, nagbigay si Sigrid ng idea tungkol sa kuwento ng Untrue na isang suspense/thriller/drama movie.

"Untrue ang working title for now, pero mukhang 90 percent, gusto ko siya Untrue 'coz sometimes it could be false.

"It’s about two lonely Filipinos living in the country of Georgia finding solace and companionship in each other until a strange apparition of a woman begins to haunt their relationship.

"It’s a suspense-thriller-drama. Ibang-iba po talaga ito.

"Sa akin, bagong-bago ang kuwento na ito and it’s also a big challenge for me.

"And good luck sa aming tatlo kasi first time ko rin na gagawa ng suspense-thriller.”

Idea ni Sigrid ang edgy look ng karakter na gagampanan ni Cristine at ang pagbabago sa physical appearance ni Xian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ang nagugulat dahil mas mataba si Xian ngayon kung ikukumpara sa huling appearance niya sa PEP Live noong nakaraang linggo.

Lumaki na ang kanyang tiyan, nagpatubo ng balbas at bigote.

Si Sigrid ang nagsabi kay Xian na huminto muna sa paglalaro ng basketball dahil baka mamayat ang aktor na walang kontrol ngayon sa pagkain para makamit ang hitsura na gusto ng kanyang direktor sa Untrue.

"Dapat older ang character at saka laging nakikita ko si Xian na same yung look niya sa ibang pelikula.

"This is something different na gusto kong he is very dedicated to his character.

"Obvious naman sa tiyan niya ngayon na napakataba na niya. Para iba na rin ang look niya."

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close