Cristine Reyes, nag-enjoy sa birthday celebration niya sa Thailand kasama ang mga kapatid

Noong February 5 ang 30th birthday ni Cristine Reyes na ipinagdiwang nito, kasama ang mga kapatid niyang sina Ara Mina at Heidi Gatmaytan sa Bo Put beach resort sa Surat Thani, Thailand.

View this post on Instagram

�??�‍�??�?

A post shared by twitter @cristinereyesss (@cristinereyes) on

Bumalik si Cristine sa Pilipinas kagabi, February 7.

Mula sa Ninoy Aquino International Airport, dumiretso siya sa story conference ng Untrue, ang unang pelikulang pagsasamahan nila ni Xian Lim.

Sinundan ito ng kanilang workshop, kasama ang direktor na si Sigrid Andrea Bernardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Cristine Reyes and Xian Lim
 IMAGE Jojo Gabinete

Ikinuwento ni Cristine na simple lang ang kanyang birthday celebration, pero nag-enjoy siya dahil sa mga island na kanyang nadiskubre sa Thailand.

"Simple lang, kasama ko yung dalawang kapatid ko, 'tapos nag-beach lang kami and kumain nang kumain ng maraming Thai foods.

"Simple lang, ganoon lang. May mga na-discover akong bagong islands, ang ganda," pahayag ni Cristine.

View this post on Instagram

if by thirty you mean “more awesome” then YAS I AM 30 �??�

A post shared by twitter @cristinereyesss (@cristinereyes) on

Excited daw siya para sa Untrue dahil bagay sa kanyang edad ang role na gagampanan niya.

"This is my first project with Xian. I hope na magkaroon kami ng isang pelikula na magiging proud kami, also with Direk Sigrid, first time ko rin na makakatrabaho, so magkakaalaman sa Georgia.

"I’m really really excited kasi ang ganda talaga ng isinulat ni Direk.

"And yung character dito, never ko pang ginawa and, I think, si Xian din, never pa namin nagawa pareho."

Hindi pa raw puwedeng sabihin ni Cristine kung anong role niya sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero first time ko gagawin and matagal kong hinintay yun ganitong klase ever and, I guess, parang timing.

"I’m at the right age para gumawa ng ganitong klase ng pelikula.

"We need to do workshops para pagdating namin sa Georgia, salang na kami.

"Hindi na namin kailangan mag-rehearse dahil three weeks lang yung meron kami time for the shoot and every day, work kami.

"Wala kaming bakasyon so kailangan talaga masulit doon yung lahat ng mga sequence."

Ang Untrue ang second movie assignment ni Cristine ngayong 2019 dahil natapos na ang shooting niya para sa Maria, ang hardcore action movie na siya rin ang bida at may playdate sa mga sinehan sa March 27, 2019.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close