Janine Gutierrez at Enchong Dee, gusto uling makatrabaho ng direktor ng Elise

Nagpunta kahapon, February 8, sa Cinema 7 ng SM Megamall sina Janine Gutierrez, Enchong Dee, at ang direktor na si Joel Ferrer para personal na pasalamatan ang lahat ng mga nanood ng Elise, ang kanilang pelikula na nagbukas sa mga sinehan noong February 6, 2019.

IMAGE Jojo Gabinete

Maligayang-maligaya ang tatlo dahil sa good reviews ng mga film critic at ng moviegoers sa kanilang pelikula.

Lubos ang pasasalamat nina Janine, Enchong at Joel dahil sa word of mouth na maganda ang Elise kaya dapat panoorin at suportahan.

Sa presscon noon ng Elise, sinabi ni Joel na halaw sa tunay na buhay ang kuwento ng Janine-Enchong starrer.

“Overwhelmed siya” ang sagot ni Joel nang itanong ng Cabinet Files ang reaksyon ng tunay na Bert (ang pangalan ng karakter na ginampanan ni Enchong) nang mapanood nito ang pelikula.

Natawa si Janine at napakindat sa amin nang marinig niya ang sagot ni Joel sa aming tanong kaya nagkaroon kami ng hinala na posibleng batay sa tunay na karanasan ng direktor ng Elise ang kuwento nito.

Nang itanong namin kung posible ba na magtambal muli sina Janine at Enchong dahil sa mga positive feedback sa Elise, nagsalita si Joel na may meeting ito sa mga producer ng Regal Entertainment Inc. para sa kanyang susunod na project.

Kung si Joel ang masusunod, gusto niya na sina Janine at Enchong uli ang mga bida ng kanyang gagawin na pelikula sa film company nina Mother Lily at Roselle Monteverde.

Meanwhile, tumanggi si Janine na magkuwento tungkol sa pagpanaw ni Beth Cruz, ang ina ng kanyang rumored boyfriend na si Rayver pero sinabi niya na nakiramay siya sa naulilang pamilya.

IMAGE Marjorie Lim

On the other hand, nagpapasalamat si Enchong sa mga executive ng ABS-CBN dahil pinayagan siya na mag-guest sa Eat Bulaga! noong nakaraang Sabado para i-promote ang Elise.

Ayon kay Enchong, may approval ng ABS-CBN management ang guesting niya sa Eat Bulaga! na nangyari ilang araw matapos na mag-renew siya ng exclusive contract sa Kapamilya Network.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN