Ronnie Ricketts, walang kupas sa aksyon sa pagbabalik-pelikula

by Jojo Gabinete
Feb 9, 2019
PHOTO/S: Facebook

Ang government position niya bilang chairman ng Optical Media Board ang isa sa mga dahilan kaya nagkaroon ng limitasyon ang paggawa ni Ronnie Ricketts ng mga pelikula, dahil pinagtuunan niya ng pansin ang kanyang mga responsibilidad para sa nabanggit na government agency.

 IMAGE Facebook

Ang 2013 movie na The Fighting Chefs ang huling project ni Ronnie na muling nagbabalik sa pamamagitan ng Exit Point, ang action movie na ipalalabas sa mga sinehan sa February 20, 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ronnie ang sumulat ng kuwento ng Exit Point at siya rin ang direktor.

Tumagal nang isang taon at kalahati ang pagsusulat ni Ronnie sa script ng kanyang comeback movie dahil pinaganda niya ito nang mabuti.

Kuwento niya, “It took me a year and a half to do the script. Ang tagal.

“And then dapat gagawin sa Viva Films, pero na-delay nang na-delay hanggang sabi ko kay Boss Vic del Rosario, ako na lang ang gagawa, so I produced the movie.

“Nang makita ni Boss Vic yung movie, sabi niya, ‘Ronnie, ako na lang ang magdi-distribute niyan.’

“Nagustuhan ni Boss Vic yung movie, yung title na we can also sell sa abroad, not only in the Philippines.”

Limang taong hindi gumawa ng pelikula si Ronnie, kaya ramdam na ramdam niya ang malaking pagbabago nang magsimula ang shooting para sa Exit Point.

Lahad niya, “Malaki ang ipinagbago ng technology.

“Iba na yung mga camera na ginagamit.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Computerized na ang editing.

“Dati, de-putol kami, pero mas madali ngayon.

“Actually, mas gusto ko kasi ako rin ang nag-edit.

“Nagawa ko yung mga gusto kong gawin.

“Puwedeng pagandahin at dagdagan ang mga eksena, kulay—lahat”

Year 1982 nang mag-umpisa ang showbiz career ni Ronnie bilang television host at aktor.

Ang My Heart Belongs to Daddy ng Regal Films ang kanyang unang pelikula at naging co-host siya noon ng mga variety show tulad ng The Big Big Show.

Bago pumasok sa showbiz, kilala si Ronnie bilang A-lister ramp model na in-demand sa mga fashion show.

Ayon kay Ronnie, mahal na mahal nito ang kanyang propesyon kaya hindi siya nagsisisi na sinubukan niya na maging artista.

Pagbabalik-tanaw niya, “Hindi ko pinangarap na mag-artista. Ano lang, natsambahan.

“Gusto ko lahat ng ginawa ko—from TV to action movies.

“At least, lahat napagdaanan ko, lahat nagawa ko kaya natutuwa ako.

“I like doing action movies kasi martial artist ako. Gusto kong ibahagi palagi ang martial arts.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results