Matagal nang plano ni Gladys Reyes na magkaroon ng acting workshop para sa mga aspiring actor, pero hindi ito matuluy-tuloy dahil sa kanyang busy schedule.
Kung matuloy man ito, gusto niya itong bansagang “Moment Ko 'To.”
Hindi inaasahan ni Gladys na matutupad ang “Moment Ko 'To” nang makatanggap siya ng Direct Message sa kanyang Instagram account mula sa isang representative mula sa De La Salle University sa Taft Avenue.
Para makatiyak na hindi prank message ang natanggap niya, ang kanyang kapatid na si Janice ang nakipag-usap sa DLSU representative kaya napatunayan nila na legitimate ang imbitasyon.
Nangyari nitong nakaraang Huwebes, February 7, ang “Moment Ko 'To” workshop ni Gladys sa 20th floor ng DLSU building, at tuwang-tuwa si Gladys dahil natupad na rin ang pangarap niyang maibahagi sa mga kabataan ang kanyang mga kaalaman sa pag-arte.

“Biglang may nagbukas sa akin na opportunity nang mag-DM [Direct Message] sa akin ang DLSU, mga college student [ang tuturuan].
“Hindi lang Mass Communication students, may accounting students, iba-iba sila.
“They wanted to invite me to conduct an acting workshop para sa Basic TV and Movie Acting.
“Ang sabi ko, ‘yang workshop, intimate yan. Sabi nila, yung mga hands on sana, mga sixty.
“Ang dami! Sabi ko teka lang, but I found a way.
“Nag-grouping ako,” kuwento ni Gladys na tumangging sabihin ang talent fee na siningil niya dahil secret daw.
“Parang mga second year college sila, yung iba, 3rd year college students.
“Ang nakakatawa, ang goal nila for that day, magpasampal sa akin!”
Ilan ang nagpasampal?
“Ang dami! Hindi ko na mabilang!
“Tawang-tawa ako sa kanila.
“If you research sa Twitter, nakakatawa yung mga bata. Ayaw nila ng fake na sampal, gusto nila totoo!” ang natatawa na kuwento ni Gladys.
View this post on Instagram
Sinilip ng Cabinet Files ang mga tweet tungkol sa “Moment Ko 'To” acting workshop ni Gladys sa DLSU at ito ang ilan sa mga nabasa namin na reaksyon ng kanyang mga estudyante.
“Si Gladys Reyes ang unang babae na sumampal sa akin and I’m honored,” tweet ng isang Alex Martinez.
“I’m honored to be the first one to get slapped by Gladys Reyes in our workshop,” ani Francis Bermundo.
“Gladys Reyes’ workshop was one of the best,” ang reaksyon naman ni Anton Santos.
“Hoy, hahaha, ang daming nasampal naman ni Gladys Reyes today,” sabi rin ni Shandy Gabales.
Nanghinayang naman ang ibang mga estudyante ng DLSU dahil nabalitaan lang nila na nagpunta si Gladys sa kanilang school at hindi sila nakasali sa mga nagpasampal sa seasoned multi-awarded actress.