Patricia Javier, todo suporta sa health book ng asawang chiropractor

by Jojo Gabinete
Feb 9, 2019
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Powered by Chiropractic ang Doc Rob’s Guide To Better Health and Wellness, ang librong isinulat ni Dr. Rob Walcher, ang chiropractor husband ng sexy actress na si Patricia Javier.

Ginanap ang book launch kaninang Sabado ng hapon, February 9, 2019, sa Sct. Madriñan, Quezon City clinic ni Dr. Rob.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jojo Gabinete

Laman ng 101-page book ang limang mga payo ni Dr. Rob para magkaroon ng mabuting kalusugan at mental/physical condition: ang chiropractic care, exercise, watch what you eat, sleep well at think positive.

“A lot of people don’t know that it’s important to have the right type of attitude, the right mindset and finally, if you don’t feel good, how are you supposed to eat, how are you supposed to exercise with your backpain and headache?

“Actually, chiropractic is the primary thing, the first thing that you need in your life to keep your spine, your nervous system in balance so you can be healthy.

“Then you eat right, then you exercise, then you sleep, then you have a positive mental attitude and then, you prevent sickness and disease,” paliwanag ni Dr. Rob tungkol sa kanyang wellness book na mabibili sa affordable price na Php 300.

Continue reading below ↓

May malaking kontribusyon si Patricia sa libro ng kanyang asawa dahil siya ang pumili sa mga larawang ginamit sa libro at nakipag-usap sa mga taon tumulong sa kanila para magkaroon ng katuparan ang dream wellness book nila ni Dr. Rob.

“The main reason kaya nag-publish ng libro si Dr. Rob is talagang gusto namin na i-promote ang health and wellness sa mga kababayan natin.

“Nakipag-usap na rin kami sa Department of Health para yung mga kababayan natin, ang mga estudyante, mabasa nila ang libro na very simple.

“Kailangan talaga nating malaman ang five steps para sa maayos na kalusugan at mabawasan ang mga sakit na kumakalat sa ating bansa, lalo na ngayon na maraming batang nagkakasakit,” sabi naman ni Patricia na health and wellness ang advocacy sa Mrs. Universe 2019 na sasalihan niya sa August 2019 at idaraos sa South Africa.

Hindi raw sasamahan ni Dr. Rob si Patricia sa laban nito sa South Africa sa Agosto dahil gusto niyang mag-concentrate ang kanyang asawa sa international beauty pageant na lalahukan.

Continue reading below ↓

Sina Martin Nievera, Derek Ramsay, Gladys Reyes, Ara Mina, Amy Perez, Coco Martin, Claudine Barretto at Camille Prats ang ilan sa mga popular celebrity na pasyente ni Dr. Rob.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results