Jerico Estregan, inaming ire-reshoot ang natapos na pelikulang Alyas Ben Tumbling

Second lead si Jerico Estregan sa Exit Point, ang action-packed comeback movie ni Ronnie Ricketts.

Magkakaroon ito ng red-carpet premiere sa February 17, sa Ayala Mall South Park Cinema, Muntinlupa City.

IMAGE @jericoestregan Instagram

Bukod sa Exit Point, tuloy pa rin daw ang pagbibidahan ni Jericho na mga pelikulang The Pancho Villa Story at Alyas Ben Tumbling.

Ang una ay film bio ng Filipino boxing champ na si Pancho Villa.

Ang ikalawang proyekto ay base sa true-to-life story ng notorious criminal na si Benjamin Garcia, aka Alyas Ben Tumbling, na napatay ng Malabon Police noong March 13, 1981.

Tapos na ang shooting ng Alyas Ben Tumbling. Pero ayon kay Jerico, nagpasya ang kanyang amang si ER Ejecito na magkaroon ng re-shoot at palitan ang cast, kaya matatagalan pa ang pagpapalabas nito sa mga sinehan.

Noong 2016, kumandidato si Jerico bilang gobernador ng Laguna at naging kalaban niya ang kanyang ama na tumakbo rin para sa naturang posisyon.

Nang matapos ang bilangan, mas mataas pa ang bilang ng mga boto na natanggap ni Jerico kesa kay ER, pero may paliwanag siya tungkol sa nangyari.

Kuwento ni Jerico sa Cabinet Files: "Back in 2016, my name is in the ballot also. I withdrew my candidacy but my name was not removed from the ballot.

"That’s why na-confuse yung mga tao. Na-confuse sila kasi we have familiar names.

"Yung dad ko, ang screen name niya is Jorge Estregan, Jr. My real name is Jorge Antonio Genaro Ejercito.

"Tapos ang tingin nila, Jorge and Emilio ay iisang tao lang. Sa pagkakaalam ng mga tao, basta Ejercito, yun ang lalagyan nila ng shade. Basta ang tumatak sa kanila, yung last name.

"Pero mataas pa rin ang mga boto sa akin, mga 300,000 votes."

Wala sa plano ni Jerico, 26, na pumasok sa pulitika dahil tinatapos niya ang thesis para sa kanyang master’s degree sa De La Salle University.

Gusto rin niyang mag-concentrate sa kanyang showbiz career at bilang head coach ng Nike Run Club.

Ang nakatatandang kapatid ni Jerico na si John Paul Ejercito ang kumakandidato na alkalde ng Pagsanjan, Laguna.

Running mate ni John Paul ang kanilang ina na si Girlie Ejercito, ang dating aktres na kilala sa screen name na Maita Sanchez.

Si Maita ang incumbent mayor ng Pagsanjan, Laguna, pero kakandidato ito bilang bise-alkalde sa darating na May 2019 mid-term elections.

Habang ang mister ni Maite na si ER Ejercito ay muling tatakbo na gobernador ng Laguna.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN