Chinese student na nagsaboy ng taho, mahal daw ang mga Pinoy

Chinese student na nagsaboy ng taho, mahal daw ang mga Pinoy
by Jojo Gabinete
Feb 11, 2019
PHOTO/S: Mandaluyong Police

Parang maamong tupang humingi ng paumanhin ang Chinese national na si Jiale Zhang dahil sa pagsasaboy niya ng taho kay SPO1 William Cristobal sa MRT Station ng Boni Avenue, Mandaluyong City, noong Sabado ng umaga, February 9.

 IMAGE Mandaluyong Police

Ang lumuluhang paghingi ni Zhang ng paumanhin ang headline ng mga television news program ngayong gabi, February 11, habang literal na hinihimas ang malamig na rehas ng kulungan ng Mandaluyong Police Headquarters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ng 24 Oras kay Zhang na isang fashion design student, sinabi niyang anim na taon na siyang naninirahan sa Pilipinas at mahal niya ang bansa natin.

"I like people here and I really love Filipinos that’s why I stayed here and I like this country," umiiyak na sabi ni Zhang, na hinigitan ang pagpapanggap na mabait at over-the-top acting ng mga aktres na gumaganap na kontrabida sa mga teleserye.

Para naman sa Filipina legal counsel ni Zhang na si Sandra Respall, very minor omission ang ginawa ng kanyang kliyente kay SPO1 Cristobal.

"This is a very minor omission, which just went viral. It’s a case where somebody gets emotional over an incident!" natatawang sabi ng abogado ni Zhang.

Unjust vexation, disobedience to a person in authority, at direct assault ang mga kasong isinampa laban kay Zhang.

Namimiligro rin siyang ideklarang undesirable alien at ipa-deport sa China ng Bureau of Immigration.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
 IMAGE Screen grab from 24 Oras

Samantala, tumanggap ng Medalya ng Papuri mula sa Philippine National Police si SPO1 William Cristobal kaninang umaga, February 11, dahil sa exemplary tolerance na ipinamalas niya nang sabuyan siya ni Zhang ng taho.

Ginanap ang pagpaparangal kay Cristobal sa flag-raising ceremony sa Camp Crame.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi naman po ako nag-e-expect ng kung ano. Ginawa ko lang po yung kung anong gustong mangyari ng aming PNP Chief na habaan pa ang pasensiya at gumawa nang tama para sa bayan," pahayag ni Cristobal sa 24 Oras.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Mandaluyong Police
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results