Former Senator Juan Ponce Enrile, nagbigay pugay sa yumaong kapatid na si Armida Siguion-Reyna

Ang huwag na huwag kalimutan ang kanyang kapatid na si Armida Siguion-Reyna ang hiling ni former Senator Juan Ponce Enrile sa lahat ng mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan.

Si Enrile ang kapatid sa ama ni Armida, kilala sa showbiz bilang Tita Midz.

 IMAGE Facebook / Noel Orsal

Pumanaw si Tita Midz sa Makati Medical Center ngayong alas-tres ng hapon, February 11, sa edad na 88 dahil sa colon cancer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pamamagitan ng isang official statement, inihayag ni Enrile ang lungkot na nararamdaman niya at ng ibang mga kapatid nila ni Tita Midz:

"Malungkot ako at malungkot kaming lahat ng mga kapatid ko sa pagpanaw ni Armida.

"Ikinalulungkot ko na siya'y nagkasakit at bagama’t ginamot ay pumanaw pa rin. Parati ko siyang binibisita.

"Sa kabila nito, masaya na rin ako na makakapagpahinga siya.

"Naging malapit na malapit kaming magkapatid. Naaalala ko pa noong araw ay sinasamahan ko siya pumunta ng party, at kahit may baha sa Maynila, ipinagmamaneho ko siya.

"Hinangaan ko ang kanyang desisyon na pumasok sa pelikula.

"Malaki ang kanyang naging kontribusyon sa larangan ng showbiz at isinulong niya ang wika natin sa kanyang mga kanta. Ipinagmamalaki ko na naging tanyag siya.

"Ang hinihingi ko lang sa mga Pilipino—lalo na sa kabataan—ay na 'wag na 'wag ninyo siyang kalimutan."

Siguradong magiging malungkot ang paggunita sa 95th birthday ni Enrile sa February 14 dahil sa pagpanaw ng kanyang kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close