Ang daughter-in-law ni Armida Siguion-Reyna na si Bibeth Orteza ang naglabas ngayong umaga, February 12, ng mga detalye tungkol sa memorial service para sa veteran actress-singer.
Sumakabilang-buhay si Armida, 88, dahil sa colon cancer kahapon, February 11.

Pahayag ni Bibeth: "It is with deep sorrow to inform you of the death of our beloved mother and grandmother, Armida Siguion-Reyna.
"We will be holding a memorial service at the Heritage Memorial Park from February 12, Tuesday, 6pm until February 15, Friday, 11pm.
"Please join us in celebrating her life. We request you bring your thoughts, prayers and fondest memories of Armida."
Si Bibeth ay asawa ng anak ni Armida na si Carlitos Siguion-Reyna.
Naganap kagabi, 8 P.M., ang viewing ng pamilya ni Tita Midz sa mga labi nito sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque City.
Nagkaroon din ng Christian at Catholic blessing bago nangyari ang cremation sa bangkay ng pumanaw na singer-actress.
Ang huwag kalimutan ang alaala ng kanyang kapatid na namatay ang hiling ni former Senator Juan Ponce Enrile.
Surprisingly, marami ang hindi nakakaalam na magkapatid sa ama sina Tita Midz at ang dating Senate President.
Trivia: Late bloomer sa showbiz si Tita Midz dahil hindi ito pinayagan ng kanyang ama na maging artista noong 1946, kahit nakapasa siya sa screen test ng Royal Palaris Productions na pag-aari ni Fernando Poe Sr.
Ang kagustuhan ng tatay ni Tita Midz na makatapos ito ng pag-aaral sa Amerika ang umiral.
Pero natupad ang pangarap niyang maging movie actress sa Sa Pagitan Ng Dalawang Langit, ang 1975 movie ng Florence Productions na pinagbidahan nina Dante Rivero, Gina Pareño, at ni Miss Aruba Maureen Ava Viera, ang 4th runner-up sa 1974 Miss Universe na ginanap sa Folk Arts Theater.
Napanood namin noon ang shooting ng Sa Pagitan Ng Dalawang Langit sa isang bukid sa Sta. Cruz, Laguna.
Dito namin nakita ang paulit-ulit na pagkanta ni Tita Midz dahil sa maraming anggulong kinunan ng direktor na si Ben Feleo.
