Sa tuwing may pagkakataon, nagsasama-sama ang veteran stars ng Philippine entertainment industry para magkumustahan, magkuwentuhan, at maging masaya.

(L-R) Divina Valencia, Elizabeth Oropesa, Caridad Sanchez, Susan Roces, Pempe Rodrigo, Pepito Rodriguez, Marita Zobel, Liza Lorena, and Boots Anson Roa
Noong Linggo, February 11, muling nagkita-kita ang mga senior star para sa kanilang pre-Valentine party na ginanap sa New Manila residence ni Pempe Rodrigo, ang anak ni former Senator Soc Rodrigo at sister-in-law ni Boots Anson Roa dahil kasal ito sa kanyang kapatid na si Atty. King Rodrigo.
"Balik-Samahan" ang tawag ng senior stars sa kanilang grupo.

(L-R) Liberty Ilagan, Susan Roces, Marissa Delgado, Nova Villa, and Pempe Rodrigo
Noong Linggo, ipinakilala nila ang mga bagong miyembro—sina Rosemarie Gil, Jessica Pica, Liz Alindogan, at Elizabeth Oropesa.
Sina Liza Lorena, Susan Roces, Gloria Romero, Marissa Delgado, Pepito Rodriguez, Divina Valencia, Lollie Mara, Nova Villa, Caridad Sanchez, Marita Zobel, Boots Anson Roa, Barbara Perez, at Perla Bautista ang ilan sa mga nag-welcome sa new members ng Balik Samahan.

(L-R) Rosemarie Gil, Pempe Rodrigo, Gloria Romero, and Lollie Mara
Si Liza Lorena, aka Lizzie Winsett, ang nagkuwento sa Cabinet Files tungkol sa mga naganap sa pre-Valentine dinner ng kanilang matatag na samahan.
"We let our hair down in our get-togethers. We sing and dance. Madaming kuwento and food trip ang mga lolas.
"It's our usual Balik Samahan party, always held at the house of Pempe Rodrigo in Quezon City.
"Pempe is the daughter of the late Senator Soc Rodrigo. She is also the sister of King Rodrigo, husband of Boots Anson. She is the best friend of Susan Roces."

(L-R) Liza Lorena, Jessica Pica, Pepito Rodriguez, and Divina Valencia
Patuloy ni Liza, "At the other night party, we celebrated birthday celebrants of January to March.
"We try to see each other every free time we all have.
"We also have recollection once a year in October.
Buong-buo ang pagiging magkakaibigan ng Balik-Samahan, at dapat tularan ng mga nakababatang artista.