Carmina Villarroel at John Estrada, nagkatrabaho ulit pagkatapos ng isyu nila noon sa Palibhasa Lalake

Hindi lamang ang kakaibang kuwento ng Kara Mia ang dapat abangan dahil ito rin ang unang pagsasama nina Carmina Villarroel at John Estrada sa isang drama series.

Carmina Villarroel & John Estrada
 IMAGE Arniel Serato

Huling nagkatrabaho ang dalawa sa defunct sitcom ng ABS-CBN na Palibhasa Lalake.

Pero nagpaalam si Carmina sa show noong 1993 nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng ibang cast members.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kinalaman dito ang ex-husband ng aktres na si Rustom Padilla, na kilala ngayon bilang ang transgender woman na si BB Gandanghari.

Sa interbyu kay Carmina noong October 2014, ipinagtapat niyang mabigat ang kanyang loob nang umalis siya sa Palibhasa Lalake.

Dinamdam ni Carmina ang panunukso ng kanyang mga co-star tungkol sa sexuality ni Rustom kaya iniwanan niya ang programa.

Pahayag niya noon, "That time, medyo serious na yung tampuhan… actually, kung ako lang talaga ang masusunod, tampo but mapapatawad ko.

"But since may ibang tao nang involved, I had to choose between them and Rustom.

"They also made a choice to let me go, because lumaki na, e. Hindi na siya yung parang internal problem.

"Lumaki na siya. National news na, e.

"Iyak talaga ako nang iyak nung umalis ako, hindi ako makapag-move on.

"Na-hurt ako bilang pamilya."

All’s well that ends well between Carmina and John dahil sa ginanap na presscon ng Kara Mia kagabi, February 12, inamin ng aktres na nailang siya sa unang taping day nila pero naging okey na ang mga sumunod na araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi naman ni John na excited siyang nakatrabahong muli si Carmina.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close