Chinese national Zhang Jiale, nagsisigaw at nagpumiglas nang arestuhin ng Bureau of Immigration

by Jojo Gabinete
Feb 13, 2019
PHOTO/S: Mandaluyong Police

May twist ang sinusubaybayang mala-teleseryeng kuwento ng Chinese national na si Jiale Zhang.

Limang oras siyang nagkulong, kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Sandra Respall, sa isang kuwarto ng Mandaluyong Police pagkatapos maglagak ng piyansa para sa kanyang kalayaan kahapon, February 12.

 IMAGE Mandaluyong Police

Nagkulong si Zhang sa silid ng Mandaluyong Police dahil sa pangambang huhulihin siya ng mga dumating na tauhan ng Bureau of Immigration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nang lumabas ng kuwarto si Atty. Respall para pumunta sa comfort room, nagkaroon ng pagkakataon ang mga tauhan ng BI na dakpin si Zhang na nagsisigaw at nagpumiglas.

Si Zhang ang fashion design student na ilang araw nang laman ng mga balita dahil sa pagsasaboy niya ng taho kay SPOI William Cristobal, na tumangging papasukin siya sa MRT Boni Station bilang ipinagbabawal sa mga commuter ang pagdadala ng mga pagkain at likido sa loob ng tren.

Nakapiit sa kasalukuyan si Zhang sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa.

Mahigpit itong tinututulan ng kanyang legal counsel na nagpaplanong sampahan ng kaso ang mga dumakip sa kliyente niya.

"I heard my client scream and shout calling on my name,” ang initial statement ni Atty. Respall sa 24 Oras.

"So I rushed, I went out of the restroom and tried to rescue her and I was blocked by three burly men.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"They physically carried my client, physically lift her up by several men and took her away. I was prevented from running after her."

Dahil sa nangyari, balak ni Atty. Respall na magsampa ng reklamo laban sa BI agents.

"She’s literally abducted and another thing also, this procedure they have executed is all illegal.

"I have to take some legal action against those responsible for this abduction," sabi ni Atty. Respall, na naniniwalang walang basehan ang BI para i-deport si Zhang sa China.

Sa report pa rin ng 24 Oras, itinanggi ni Atty. Dana Sandoval, spokesperson ng BI, na illegal ang pagdakip kay Zhang ng kanilang tanggapan.

"They were armed with a valid mission order, actually. Nagkaroon lang po ng kaunting kaguluhan because the subject was resisting arrest.

"Kailangan po talaga siyang maaresto because she was already charged for undesirability, for a deportation case."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Mandaluyong Police
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results