Paolo Ballesteros, break na rin sa non-showbiz boyfriend niya

Hindi lang ang pag-amin ni Winwyn Marquez na hiwalay na sila ni Mark Herras ang pinag-usapan sa Valentine’s presscon ng Time & Again na ginanap sa Valencia Events Place ngayong hapon, February 14.

Topic din ang split-up ni Paolo Ballesteros at ng kanyang special someone na si Kenneth Gabriel Concepcion.

IMAGE Paolo Ballesteros Instagram

Kinumpirma ni Paolo sa PEP.ph noong January 18, 2019 ang two-month-old relationship ni Kenneth, na isang nurse.

Pero hindi umabot sa tatlong buwan ang kanilang love affair.

From somebody in the know, mutual decision nina Paolo at Kenneth na tapusin ang kanilang relasyon.

Pero umaasa ang actor-TV host na magkakabalikan sila sa tamang panahon kaya handa siyang maghintay.

Sinabi ng PEP source na parang lyrics mula sa hit song ni Barry Manilow na "Somewhere Down the Road" ang love story nina Paolo at Kenneth dahil “they had the right love at the wrong time.”

Nang sabihin ng PEP source na maghihintay si Paolo kay Kenneth, tinanong ng Cabinet Files kung hanggang sa langit ang paghihintay na gagawin ng King of Make-up Transformation ng Pilipinas.

"Huwag naman langit, baka kunin sila agad!" reaksiyon ng PEP informant.

Nilinaw namin kung maikukumpara rin ba ang kuwento ng pagmamahalan ng dalawa sa Hihintayin Kita Sa Langit, ang 1991 blockbuster movie nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Nang mapagkuwentuhan sa presscon ng Time & Again ang breakup nina Paolo at Kenneth, may mga reporter na nag-conclude na posibleng ang paghihiwalay ang dahilan kaya maputing-maputi ang kulay ngayon ng buhok ng actor-TV host.

Mali ang conclusion ng entertainment writers dahil may saysay ang pagpapakulay ni Paolo ng buhok.

Kailangan ito para sa kanyang role sa bagong movie assignment niya sa Regal Entertainment, Inc.

View this post on Instagram

@headwayverasalon @gebsen_reignegarcia @mikhailhirang thanks!!! �???�??��?���???�???

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN