Bianca Umali, nasorpresa sa pa-bulaklak ni Miguel Tanfelix

Bouquet of pink roses—na binili raw niya sa Dangwa kaya natrapik siya—ang pasalubong ni Miguel Tanfelix kay Bianca Umali nang magkita sila sa Valentine’s Day pocket presscon ng Sahaya, ang bagong television assignment nila sa GMA-7.

Miguel Tanfelix and Bianca Umali
IMAGE Noel Orsal

Nagulat at touched na touched si Bianca sa thoughtfulness at kind gesture na ipinakita ng leading man niya.

Ikinuwento ni Bianca na taun-taon, tuwing Araw ng mga Puso, hindi nakakaligtaan ni Miguel na bigyan siya ng mga regalo at bulaklak.

Ang Sahaya ang biggest at ambitious project, to date, na pagbibidahan nina Bianca at Miguel kaya pinaghandaan nila nang husto ang mga karakter na kanilang ginagampanan.

Sabi ni Bianca, "Sahaya is actually mg first title role. I’m super excited and nervous at the same time.

"Sahaya is also my most challenging role, all my roles have been really really challenging also as well for me, but Sahaya is different kasi isa po siya sa mga pangarap ko.

"Before, I dreamt of being a mermaid, and never in my wildest dream have I thought that I would get a role, which is Sahaya na, yes, hindi siya mermaid, pero mahal na mahal po niya yung dagat and buhay niya yung pagsisid niya.

"It’s actually very exciting for me kasi I love water, and I think that’s why parang meron akong personal connection with Sahaya’s character.

"And also the efforts I put into studying on how to portray Sahaya and studying about the culture."

Nag-research daw mabuti si Bianca tungkol sa pamumuhay ng mga Badjaw dahil sa karakter na bibigyang buhay niya.

Ayon naman kay Helen Rose Sese, ang program manager ng Sahaya, perfect choice si Bianca dahil may resemblance ito sa isang tunay na Badjaw girl.

"Si Bianca has the features of a Badjaw girl, yung color tone niya, yung eyes… she’s really perfect for the character."

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN