Ang Flour Division ng Universal Robina Corporation ang isa sa mga pinarangalan sa opisyal na pagbubukas ng Bakery Fair 2019, ang biggest baking trade show sa Pilipinas, sa World Trade Center ngayong Biyernes, February 15.
Tinanggap ng Universal Robina Corporation (URC) mula sa Philippine Society of Baking Filipino ang Plaque of Appreciation dahil sa walang-sawang pagbibigay nila ng suporta, generosity at "incredible blessing" sa organisasyon.

Ang Filipino Chinese Bakery Association, Inc. ang organizer ng Bakery Fair 2019 sa pangunguna ni FCBAI President Peter Fung.
Tagumpay ang unang araw ng baking trade show dahil libu-libo ang bilang ng mga dumalo na home bakers, foodies, entrepreneurs, bakery at café operators, baking at pastry students.
Ipinakita rin ng mga miyembro ng International Federation of Chinese Bakeries and Confectioneries Association (IFCBCA) ang kanilang suporta dahil sa pagdalo ng mga opisyal at delegates mula sa Taiwan, Vietnam, Malaysia, Singapore, at Hong Kong.

Sa kanyang welcome speech, ipinaabot ni Fung ang taus-pusong pasasalamat dahil sa successful opening ng Bakery Fair 2019 na magaganap hanggang sa Linggo, February 17.
"Holding Bakery Fair once every two years is now part of our organization’s corporate social responsibility to give back to our community we so loved and served.
"And we hope, through Bakery Fair, we are able to inspire young Filipinos and Chinese Filipinos to love baking, to become their own boss, to become entrepreneurs and to become a driving engine for the Philippine economy.
"Baking is Fun and Baking is Life.
"On behalf of the Directors and Officers of Filipino Chinese Bakery Association Inc. (FCBAI), we would like to thank our Bakery Fair 2019 exhibitors, allied members and bakery members, guests and visitors for your continuous trust and unwavering support,” bahagi ng welcome speech ni Fung.
Makikita sa Bakery Fair 2019 ang mga baking equipment na halos kasing-laki ng mga bahay at iba’t ibang klase ng mga tinapay.

Imbes na ribbon-cutting ceremony, isang cake-cutting ceremony ang nangyari bilang hudyat ng pagsisimula ng Bakery Fair 2019.
Isang cake na mahaba ang sabay-sabay na hiniwa ng mga opisyal ng FCBAI at IFCBCA.

Nang matapos ang seremonya, libreng ipinamigay at ipinakain sa lahat ang mocha-flavored cake, na isa sa mga pinakamahabang nakita ng Cabinet Files.
Hit na hit ang exhibit ng mga Instagramable sculpted cakes na gawa ng talented Filipino bakers, na malaki ang tsansa na mag-uwi ng cash prizes kapag nanalo ang kanilang mga entry.

Nature ang theme ng sculpted cake contest kaya malabo nang magwagi ang "Catriona Gray cake" na inspired ng hitsura ng reigning Miss Universe nang manalo ito sa nabanggit na beauty pageant na ginanap sa Bangkok, Thailand, noong December 2018.

Dahil panahon ngayon ni Catriona na isang Bicolana, isang baker ang nangahas gumawa ng Mayon Volcano at Cagsawa church sculpted cake na kasali rin sa dinudumog sa exhibit.
