Clint Bondad, di rin na-inform sa pagbabalik ni Catriona Gray sa Pilipinas?

Unlike before, matipid na ngayon ang mga sagot ni Clint Bondad tuwing tinatanong siya tungkol sa kanyang girlfriend—ang reigning Miss Universe na si Catriona Gray.

IMAGE Clint Bondad Instagram

Kabilang si Clint sa mga naglaro ngayon sa "Boom," ang popular game segment ng Eat Bulaga! dahil mga karelasyon ng beauty queens ang invited contestants.

Kasama niyang naglaro sina Marc Nash, boyfriend ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago, at Marco Alcaraz, asawa ng aktres at Miss International 2005 Lara Quigaman.

Well-publicized ang pagbabalik ni Catriona sa Pilipinas kagabi, February 15, para sa kanyang mga homecoming parade sa February 21 at February 23.

Pero may mga naintriga sa sagot ni Clint sa tanong ng "Boom" host na si Vic Sotto.

Nagtanong si Vic kung naririto ngayon sa bansa si Catrina, pero "Sa tingin ko" at "Hindi ako sure" ang intriguing response ni Clint.

Vic Sotto and Clint Bondad
IMAGE Screen grab from Eat Bulaga!

Isang entertainment writer naman ang nagsabing mula nang magpunta sa New York si Catriona noong December 2018 para gampanan ang mga responsibilidad bilang Miss Universe, hindi na sumasagot si Clint sa mga text message na ipinadadala niya.

Naninibago ang entertainment writer sa sudden change sa attitude ni Clint, na very accommodating sa lahat ng mga nagtatanong sa kanya sa pamamagitan ng mga text message noong kapapanalo pa lang ni Catriona na Miss Universe.

May mga hinalang sinadya ni Clint na huwag nang magsalita at mag-entertain ng mga interview tungkol kay Catriona para hindi siya maakusahang ginagamit ang popularity ng girlfriend para sa sariling kapakanan niya.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN