Ano ang almusal ng isang mayamang tulad ni Armida Siguion Reyna?

Naganap ngayong umaga, February 16, 2019, ang inurnment sa cremated remains ng veteran singer-actress at former MTRCB chair na si Armida Siguion Reyna sa Santuario de San Antonio Columbarium, North Forbes Park, Makati City.

 IMAGE Facebook

Isang Holy Mass ang idinaos sa Santuario de San Antonio Church na dinaluhan ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan bago dinala sa huling hantungan ang cremated remains ni Tita Midz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumakabilang-buhay si Tita Midz sa edad na 88 dahil sa colon cancer noong February 11, 2019.

Marami ang mga anekdota tungkol sa makulay na buhay at feisty character ni Tita Midz ang pamilya, mga kaibigan, at ang mga taong nakatrabaho niya.

Pero ang kuwento ng kanyang apo na si Sara "Aya" Siguion Reyna, ang nag-iisang anak na babae nina Carlitos at Bibeth Orteza, ang tumatak sa aming isip.

"We Call Her Mahal" ang title ng artikulo na isinulat ni Aya tungkol sa kanyang lola at inilabas ng Life Style Asia noong September 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Sara Siguion Reyna Instagram

Mahusay magsulat si Aya kaya habang binabasa ang kanyang artikulo, parang pinapanood namin sa wide screen ang nangyari sa tunay na buhay na eksena ni Tita Midz sa shooting ng isang pelikulang ginawa niya noon sa Viva Films at nagpatunay na “she’s a league of her own.”

Ikinuwento ni Aya sa article nitong tinanong ni Tita Midz ang production designer ng pelikula kung bakit napakaraming pagkain sa mesa—whole loaf of bread, cocktail hotdogs, fried eggs, butter and cheese—para sa kanyang solo breakfast scene.

"Mayaman ka rito, ito ang breakfast mo," sabi ng production designer.

Sagot ni Tita Midz: "Mayaman ako sa tunay na buhay, ang breakfast ko, kape!"

Hindi ito puwedeng kontrahin dahil totoo ang sinabi ng nag-iisang Armida Siguion-Reyna.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close