Ang Sahaya ang isa pinakamagastos at ambitious projects ng GMA-7.
Bukod sa pagpapatayo ng set sa Calatagan, Batangas, mga bagong C700 camera ang ginagamit sa taping ng upcoming primetime drama series na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, at Migo Adecer mula sa direksiyon ni Zig Dulay.
Iba’t iba at malalayo ang lugar ng tapings ng Sahaya, pero ang set sa Calatagan, Batangas ang base location dahil dito itinayo ang mga stilt houses na exact replica ng mga tahanan ng mga Badjao sa Tawi-Tawi.
Ang Sahaya program manager na si Helen Rose Sese ang nagpakita ng mga litrato at nagsabi ng mga description ng set na malapit nang matapos ang construction.

"We created an entire set sa Calatagan, yung set construction is ongoing. Ang ganda ng nakikita ko na progress ng set.
"It’s really something to be proud of. We rented the entire shore area and then we constructed a set there, yung stilt houses ng Tawi-Tawi. Perfect yung sunset."
View this post on Instagram
Anim na buwan na nirentahan ng GMA-7 ang shore area sa Calatagan para maging makatotohanan ang mga eksena.
Hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang cast na pumunta sa Tawi-Tawi para roon mag-taping dahil sa conflict sa kanilang mga schedule.
Noong 2015, nagtapos na Magna Cum Laude sa Mindanao State University ang Badjao na si Roben Abdella.
Ang kanyang kuwento ang isa sa mga naging inspirasyon kaya nabuo ang concept ng Sahaya.
Paliwanag ni Helen, "GMA is known for innovative concepts so wala tayong nakikitang ganyan pa from ibang networks, so we wanted to try something new and would be interesting to the viewers.
"We wanted to try yung scene, yung stilt houses, kasi nakita na natin before sa ibang shows.
"Plus the interesting part is may nakita kaming nag-graduate na Badjao na honor student so we picked it up from there.
"We incorporate yun sa kuwento namin, si Sahaya is a successful honor student."
Sa mga hindi nakakaalam, marami sa mga Badjao ang hindi nag-aaral dahil nakuntento na sila sa buhay na nakagisnan.
"I’m just happy to share with you na nag-taping na kami and I’ve seen the materials.
"Ang galing ni Direk Zig Dulay, ang ganda ng materials niya, ang ganda ng camera movements niya, ng shots.
"And this is also the first time that GMA Drama will use the C700 cameras, so ito yung akma na puwedeng pang-Netflix," dagdag na pahayag ni Sese.
Ikinatuwa nina Bianca, Migo, at Miguel dahil sa posibilidad na ipalabas sa Netflix ang Sahaya.