Ilang araw nang pinag-uusapan ang alleged walkout ni Angel Locsin sa taping ng The General’s Daughter ng ABS-CBN noong Biyernes, February 15, pero hindi pa alam ng publiko ang dahilan.

Nababanggit ang pangalan ni JC de Vera at ng isang direktor ng programa, pero parehong walang kinalaman ang dalawa sa pag-alis ni Angel sa set ng The General’s Daughter.
Sinabi ng isang Cabinet Files informant na tungkol sa isang eksena na kailangang naka-disguise ang karakter ni Angel ang pinag-ugatan ng problema.
Nagtanong umano si Angel sa isang production staff member kung bakit apat lamang ang mga talent na kasama sa eksena at mas matatanda pa sa kanya.
Kung ganun daw ang sitwasyon, hindi magiging kapani-paniwala sa televiewers ang disguise niya.
May ibinigay na paliwanag na hindi maayos ang kausap ni Angel at, diumano, tinalikuran niya agad ang lead actress ng The General’s Daughter.
Ikina-offend ito ni Angel naging dahilan para umalis siya sa taping.
Marami ang nakakaintindi kay Angel sa pagtatanong na ginawa niya tungkol sa kakulangan ng mga talent na kasama sa kukunang eksena dahil nagpapakita lamang siya ng concern sa programa.
Para sa kanila, may valid reason ang aktres na normal lang na masaktan nang talikuran siya ng kanyang kausap.
Seventeen years na ang acting career ni Angel at sa tagal niya sa entertainment industry, maraming beses nang napatunayan ang kanyang professionalism.
Nasaksihan namin ito nang magkasama kami sa taping ng Asian Treasures ng GMA-7 noong 2007 sa Thailand at Beijing, China, kaya hindi ang tipo niya ang basta aalis sa set nang walang sapat na dahilan.
Si Angel ang artista na may bitbit na notebook at ballpen sa bawat story conference ng kanyang mga television assignment dahil pinag-aaralan niyang mabuti ang karakter na kanyang gagampanan.