Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

In-ambush na mister ni Menchu Lauchengco-Yulo, hindi may-ari ng nasunog na auto shop sa EDSA

by Jojo Gabinete
Feb 19, 2019
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Walang katotohanan ang mga kumakalat na balitang ang businessman na si Jose Luis "Sel" Yulo ang may-ari ng Autoplus, ang car shop sa EDSA, Mandaluyong City na nasunog kahapon, February 18.

Ayon ito sa official statement na inilabas ngayon ni Adrian Baltazar ng Autoplus/Motul.PH Marketing dahil sa mga walang basehang konklusyon na may kaugnayan ang naganap na sunog sa pagpatay sa 62-year-old businessman.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Baltazar: “Sel Yulo is a client of Autoplus. Yulo is not the property owner, and does not own a share or controlling stock of Autoplus.

“His assassination and the fire that struck Autoplus are not related.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"We, as friends of the late Mr. Yulo are saddened by his death."

Si Yulo, asawa ni Menchu Lauchengco, ay binaril at namatay sa harap ng Victor Potenciano Memorial Medical Center sa EDSA, Mandaluyong City, noong Linggo, February 17.

Menchu Lauchengco-Yulo
 IMAGE Screen grab from YouTube
Continue reading below ↓

Kabilang sa mga nasawi ang driver ni Yulo na si Allan Nomer Santos, samantalang nakaligtas pero sugatan ang kanilang kasamang si Esmeralda Ignacio.

Kapangalan ng nasawi na businessman si Jose Luis U. Yulo, Jr., ang presidente ng Chamber of Commerce of the Philippine Islands.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results