Ai-Ai delas Alas, di sumakay sa unang pagpapalipad ng eroplano ni Gerald Sibayan

Sinuportahan ni Ai-Ai delas Alas ang unang beses na pagpapalipad ng eroplano ng kanyang asawa na si Gerald Sibayan.

Nangyari ito sa Asian Institute of Aviation sa Subic, Zambales, kaninang umaga, February 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Gerald Sibayan and wife Ai-Ai delas Alas with his family and friends
 IMAGE Courtesy of Ai-Ai delas Alas

Proud and excited wife ang Comedy Queen habang pinapanood niya ang pagpapalipad ni Gerald ng Cessna 172 plane sa kauna-unahang pagkakataon.

"Mahal ko siya pero huwag muna ngayon. Marami pang pagkakataon!" natatawang sagot ni Ai-Ai nang itanong namin kung bakit hindi siya pumayag maging pasahero ng kanyang asawa sa unang pagpapalipad nito ng eroplano.

Dagdag pa niya, "Saka na ako sasakay kapag pilot na siya ng commercial plane."

Pero bilib na bilib si Ai-Ai kay Gerald dahil hindi raw ito nagpakita ng kaba o takot.

"Nagdasal naman siya bago lumipad. Hindi siya puwedeng kabahan dahil nakatutok ang atensiyon niya sa pagpapalipad ng eroplano," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Courtesy of Ai-Ai delas Alas

Ibinahagi ni Ai-Ai sa PEP.ph ang exclusive photos and videos ng isa sa mga milestone sa buhay ng kanyang asawa.

Pagkatapos ng matagumpay na first solo flight ni Gerald, pinagkalooban ito ng kanyang instructor ng first solo Cessna pin at sumailalim siya sa traditional solo bath.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close