Nakahanda na ang lahat para sa victory parade ni Catriona Gray na sa Maynila at Makati City magaganap bukas, February 21.
Inaasahang aabangan ito ng mga Pilipino na sabik makita nang personal ang fourth Filipina Miss Universe.

Nakalagay na sa mga lamp post sa EDSA ang Light of the Universe tarpaulins ni Catriona na pangalawang beses nang umuwi ng Pilipinas mula nang manalo siya bilang 67th Miss Universe sa Bangkok, Thailand, noong December 17, 2018.
Magaganap naman sa February 23 sa Araneta Center ang second victory parade ni Catriona, kaya may mga nagtatanong sa activities niya sa Biyernes, February 22.
From somebody in the know, magkakaroon si Catriona ng courtesy visit kay PDLT Chairman Manny Pangilinan sa opisina nito sa Makati City, at mangyayari ito bukas, February 22.
Mula pa noong 2014 ang partnership ng PLDT Home at ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. kaya taun-taon, naging tradisyon na ang courtesy call ng Binibining Pilipinas winners kay Pangilinan.
“PLDT supports world-class Filipino talents and we take pride in the achievements of outstanding Filipinas like Miss Universe Catriona Gray.
"Together with Binibining Pilipinas Charities Inc., we continue to support them in their mission to bring pride to the country and help uplift the lives of Filipinos through service and nation-building,” ang statement ni Andrew L. Santos, ang PLDT First Vice President and Head, Consumer Marketing.
Hinihintay ng mga empleyado ang pagbisita ni Catriona sa kanilang opisina dahil gustung-gusto nila ang down-to-earth attitude ng reigning Miss Universe.
Hindi pa nila nakakalimutan ang pagiging unassuming ni Catriona nang maimbitahan ito sa pagbubukas ng first PLDT-Smart store sa Bonifacio Global City noong April 2018.
Ikinuwento ng isang empleyado na si Catriona ang pinakamaagang dumating at pinakahuling umalis sa nasabing event.
“She took time to linger at the event and socialize with PLDT executives, employees, guests and media. She was the first to arrive and the last of the six queens to leave the venue.”