Ulan director, nagpa-"look test" para sa mga tikbalang na ginamit sa pelikula

Ulan director, nagpa-look test para sa mga tikbalang na ginamit sa pelikula
by Jojo Gabinete
Feb 22, 2019
PHOTO/S: Courtesy of Viva Films

Protégé ni Joyce Bernal ang direktor na si Irene Villamor at siya ang creative producer ng Ulan, ang pelikula ng Viva Films na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Carlo Aquino.

May playdate itong March 13, 2019.

Carlo Aquino and Nadine Lustre in Ulan
 IMAGE Courtesy of Viva Films

Si Irene ang sumulat ng kuwento at direktor ng blockbuster movies na Camp Sawi, Meet Me in St. Gallen, at Sid & Aya: Not A Love Story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero may special spot sa kanyang puso ang Ulan dahil ang script nito ang kauna-unahang isinulat niya noong nag-aaral pa siya sa UP.

"This is my first ever script originating from a short story I wrote thirteen years ago and also from a directing class video exercise in UP Film,” sabi ni Irene.

Nagpapasalamat ang direktor kay Viva Films producer Vic del Rosario dahil ito ang nagbigay ng green light para gawin niyang full-length movie ang Ulan, na hindi isang ordinary love story dahil tungkol din sa pagmamahal sa sarili ang pelikula.

View this post on Instagram

#UlanOfficialPoster ‘really appreciate all the reactions to the posters, teaser or official... �???�???�??� thank you guys for engaging. ‘hopin’ and wishin’ and crossing my fingers you all watch the movie come show day. all these photos are part of the universe that is ‘ulan’. i am grateful that as a director/writer, i am given the opportunity to have a creative say in everything since day 1 post of ulanmovie ig. this is my first screenplay, nurtured for more than a decade. and the patience and hardwork of everyone involved - from production, post to promo - took 9 months. i couldn’t be any happier to see this movie come alive and hopefully tug in your hearts. ulan is about self-love. but when do we really learn how to love? isn’t it through every little experience in life? paparating na ang ulan. hayaan nating tayo’y basain ng ligaya at pag-ibig �?��? PS: oh and yes, this is too harlequiny romance no? (wink wink)

A post shared by Irene Emma Villamor (@ayrin) on

Umabot ng siyam na buwan ang production ng Ulan dahil sa mahihirap na eksena na kinunan ni Irene, tulad ng iba’t ibang mga klase ng ulan na simbolo ng mga nangyayari sa buhay ni Maya, ang karakter na ginagampanan ni Nadine.

"Production took nine months and Viva allowed me to shoot fewer sequences a day (hence more shooting days than I’m used to) because of the difficulty of mounting the scenes.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I am again working with my production designer Ferdi Abuel who has created the design for all my films and it was a great joy collaborating with master director of photography Neil Daza.”

Marami ang nag-aakalang suspense-thriller movie ang Ulan dahil sa mga tikbalang na napapanood sa trailer.

Mahalaga ang mga tikbalang sa kuwento ng pelikula at ito ang isa sa mga challenge na naranasan ni Irene bago inumpisahan ang principal photography.

Nagkaroon ng tatlong "look test" ang mga tikbalang na ginamit sa Ulan dahil sa kagustuhan ni Irene na makuha ang tama na hitsura nila.

View this post on Instagram

“...tutol ang langit sa pag-ibig nila.” ULAN in cinemas March 13, 2019

A post shared by Irene Emma Villamor (@ayrin) on

Weird but true, may "ulan look test" din si Irene dahil tiniyak nitong mapapanood sa pelikula ang lahat ng uri ng ulan na importante sa kuwento, at kinailangang pinturahan ang lahat ng dingding ng isang bahay na ginamit na set.

Lastly, grateful si Irene kina Nadine at Carlo dahil magagaling na artista at magaan na katrabaho ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Irene, "Nadine as Maya gave the movie a different feel that I didn’t expect.

"I told her I needed to see this movie as a journey with her and she gave me a very good ride.

"We bonded over a lot of womanhood stories and being goddesses, ha ha ha!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy of Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results