Catriona Gray muling ipinamalas ang Lava Walk sa isang event

Fit for a queen ang red carpet welcome kahapon, February 22, 2019, ng mga opisyal at empleyado ng PLDT kay Miss Universe 2018 Catriona Gray sa PLDT headquarters sa Makati City.

IMAGE courtesy of PLDT

Malakas na tilian at masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa PLDT complex nang dumating si Catriona para sa courtesy call niya sa big boss na si Manny V. Pangilinan.

IMAGE courtesy of PLDT

May mga hawak na Catriona Gray fans ang mga empleyado na lalong natuwa nang ipakita ng reigning Miss Universe ang kanyang signature lava walk.

Inimbitahan ni Catriona ang lahat na panoorin ang Miss Universe Grand Homecoming Tribute na magaganap bukas, Linggo, February 24, sa Smart Araneta Coliseum.

Pinasalamatan din niya si Pangilinan dahil sa patuloy na suporta nito sa kanya bilang ambassador, sa Bb.Pilipinas Charities Inc., sa Miss Universe Organization, at sa world-class Filipino talents.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN