Claudine Barretto super alaga ni Gretchen Barretto sa ospital

All is well that ends well between Gretchen and Claudine Barretto.

Matagal nang estranged ang dalawa sa isa't isa pero muli silang nagkasundo—isang patunay na blood is thicker than water.

Naganap ang reconciliation ng controversial sisters sa isang hotel sa Pasay City bago nangyari ang Chinese New Year noong February 5, 2019.

Sa mga hindi nakakaalam, kahit nagkaroon sila noon ng mga misunderstanding, mahal na mahal ni Gretchen si Claudine dahil ito ang bunso sa kanilang magkakapatid, at hindi man sila nag-uusap noon, hindi nawalan ng komunikasyon si Claudine kay Dominique, ang nag-iisang anak ni Gretchen at ng long-time partner nito, ang businessman na si Tonyboy Cojuangco.

Nanggaling kay Claudine ang kumpirmasyon na magkasundo na sila ni Gretchen dahil sa kanyang Instagram post tungkol sa confinement niya sa isang ospital.

Supposedly, magkikita kagabi, February 22, ang magkapatid para mag-dinner, pero hindi natuloy dahil sa hospital confinement ni Claudine.

Pinasalamatan ni Claudine si Gretchen dahil sa pag-aalaga nito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Been here a few days now. My Ate Gretchen Barretto has been taking care of me. Since she couldn’t accompany me today she bought me this, so when it’s time for her to go home I can hug this so I won't miss her too much & won't be scared. Also my pillow now never leaves my side. I started my MRI at 2 pm & lasted for more than 3 hours.Thank you & I Luv u. See you tomorrow," ang pasasalamat ni Claudine kay Gretchen dahil sa big stuffed pillow na ipinadala sa kanya sa ospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE @claubarretto on Instagram

Dahil hindi nakasipot si Claudine sa kanilang dinner date sa bahay ni Gretchen, nagpadala ang huli ng mga pagkain sa ospital kaya muling nagpasalamat ang may sakit na aktres.

"Thank u for the food @gretchenbarretto m a spoiled little sister especially these past few days. She sent me so much food. I luv u so much."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE @claubarretto on Instagram
 IMAGE @claubarretto on Instagram

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close