Yasmien Kurdi and family, nakatira na sa kanilang dream house

by Jojo Gabinete
Feb 24, 2019
PHOTO/S: Yasmien Kurdi Facebook page

Muntik nang maging emosyonal si Yasmien Kurdi nang sabihin nito na minsan, parang hindi niya naipapakita kay Rey Soldevilla, Jr. ang appreciation sa lahat ng mga ginagawa ng kanyang asawa para sa pamilya nila.

“Wala po akong masabi kay Rey. Sobrang bait.

“Sinusuportahan po niya ako, hindi lang ako showy sa kanya.

“Minsan, parang hindi ko naipapakita sa kanya na na-appreciate ko yung mga ginagawa niya.

“Showy ako sa mga eksena pero in person, hindi ko alam kung paano i-express yung feelings ko.

“Malambing siya. Super lambing siya na kung minsan, sobra na,” lahad ni Yasmien na nagpapasalamat sa mga naririnig na komento na napakasuwerte niya sa pagkakaroon ng responsible at loving husband na kagaya ni Rey.

Nabili at tinitirhan na nina Yasmien at Rey ang kanilang dream house pero wala silang planong ipagbili o parentahan ang unang investment nila—ang condominium unit sa Taguig City na naging tahanan ng mag-asawa sa matagal na panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
 IMAGE Yasmien Kurdi Facebook page

Bukod sa may emotional attachment, naniniwala si Yasmien na may hatid na suwerte ang condominium unit na binibisita niya sa tuwing hindi siya abala sa taping ng Hiram na Anak, ang morning drama series ng GMA-7 na mapapanood simula bukas, February 25, 11:15 am.

Pahayag niya, “Ayoko siyang ibenta.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Minsan, doon pa rin kami nag-stay ng asawa ko kapag may dinner kami sa BGC.

“Natutulog kami minsan doon para maiba lang yung mood, city view naman.

“Yung house namin na bago, puro puno, sobrang tahimik.

“Hindi pa kumpleto ang mga gamit namin. May third floor kasi.

“Yung isang kuwarto, wala pang laman.

"Yung kuwarto ni Ayesha [their only daughter], halos wala pa masyadong laman, kama at TV pa lang.

“Wala kaming time magpunta sa mall.

"Wala kaming time na tumawag ng contractor dahil ang inilagay lang namin, kurtina na pansamantala.

“Naiisip namin na kumuha ng contractor para matapos na lahat.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Yasmien Kurdi Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results