Janine Teñoso, pinuri dahil sa revival niya ng Rivermaya song na "Ulan"

by Jojo Gabinete
Feb 25, 2019
PHOTO/S: Viva Entertainment Instagram

Hindi inililihim ni Jay Durias ng South Border ang paghanga niya sa newcomer singer na si Janine Teñoso.

May special participation si Janine sa Playlist: The Best of OPM, ang March 1 concert sa Smart Araneta Coliseum ng mga sikat na vocalist ng mga banda—sina Joey Generoso, Jinky Vidal, Juris Fernandez, Meds Marfil, kasama si Ice Seguerra.

Continue reading below ↓
 IMAGE Viva Entertainment Instagram

In fact, ipinagtapat ni Jay na number one sa playlist nito ang "Ang Awit Natin," ang kanta ni Janine na ginamit na theme song sa pelikulang Para sa Broken Hearted.

Unang napansin si Janine dahil sa soulful rendition niya sa "Di Na Muli," ang theme song ng Sid & Aya: Not A Love Story, ang hit movie nina Dingdong Dantes at Anne Curtis.

Sa recent presscon ng Ulan, pinalakpakan si Janine ng entertainment writers dahil sa impeccable cover version niya sa "Ulan," ang unang hit single ng Rivermaya noong November 1993 at theme music ng pelikula nina Nadine Lustre at Carlo Aquino na may playdate sa March 13.

Nagkaisa ang entertainment press sa pagsasabing napakaganda ng pagkakaawit ni Janine sa "Ulan," na binigyan ng bagong areglo para bumagay sa kuwento ng Nadine-Carlo starrer.

Four years old si Janine nang madiskubre nito ang talent sa pagkanta at dumating ang big break sa kanya nang sumali siya sa Born To Be A Star, ang reality-singing competition ng TV5 noong 2016.

Continue reading below ↓

Hindi man siya ang grand winner ng contest, nagpatuloy ang singing career ng 20-year-old singer-songwriter.

Sina Rico Blanco, ang former vocalist ng Rivermaya, at si Aiza Seguerra ang mga hurado noon sa Born To Be A Star.

Three years later, kasama na ni Janine sa Playlist concert si Aiza at siya ang nag-revive ng "Ulan," na unang inawit ni Rico noong member pa ito ng Rivermaya.

Ten years from now, umaasa si Janine na matutupad ang pangarap niyang maging established actress at magkaroon ng sarili na recording studio.

Hindi ito imposibleng mangyari dahil sa kanyang determinasyong magtagumpay sa career na pinili.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Viva Entertainment Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results