Doting grandmother si Maricel Soriano kay Elijah Palanca, ang apo niya sa kanyang pamangkin na si Meryll Soriano.
Si Elijay ay anak ni Meryll sa ex-husband niyang si Bernard Palanca.
Si Elijah ang isa sa mga surprise guest sa 54th birthday celebration ni Maricel sa Magandang Buhay ng ABS-CBN ngayong Martes, February 26.
Nagdiwang ng kanyang kaarawan ang aktres noong February 25.

Bakas na bakas sa mukha ni Maricel ang pagkagulat at sobrang kaligayahan nang makita nito ang 11-year-old grandson.
"Mommy Two" ang tawag ni Elijah kay Maricel dahil si Becbec Soriano, kapatid ng aktres at ina ni Meryll, ang Mommy One.
"Ang cute-cute! Di ba, ang guwapo-guwapo niya? Sino ang kamukha mo?” ang reaksiyon at tanong ni Maricel, na lalong natuwa nang sumagot si Elijah na siya ang kamukha nito.
Sinabi ni Elijah na napapasaya niya ang kanyang Mommy Two dahil makulit din siya.
"Cool mommy" ang description ni Elijah kay Maricel dahil hindi pa raw niya nakikitang nagalit ang aktres.
"I’m a cool mom," sagot ni Maricel sa sinabi ng kanyang apo.
"Elijah was a surprise gift to us. Ganoon ko siya tinitingnan kaya lagi kong inaaway yung nanay nito para sabihin na, 'Dalhin mo naman sa akin, puwede?'
"Gabi-gabi na lang, magkasama kayo, e. Puwede bang one night [sa akin]?"
View this post on InstagramSunday. �??��?���??� Had fun at @playnationphp! #naruto @thecurious2
Nang tanungin si Elijah kung bakit mahal nito si Maricel, sinabi niya: "Dahil po siya yung pangalawa kong mommy kasi lola ko po rin siya.
"Yung lola ko, si Mama Bec, she supports me like Mommy Two."
Birthday wish naman ni Elijah para sa kanyang Mommy Two: "She will have a good day any day and our love together will be continuous no matter what, and she has a good birthday."
Mensahe naman ni Maricel sa kanyang apo: "Ako, ang wish ko kay Eli, gusto ko na makatapos siya ng school niya.
"Oo, makakatapos siya ng school niya kasi he loves to study.
"Masyado siyang mabuting bata, mabait na bata, hindi siya nakakatikim ng palo pero disciplinarian si Meryll.
"Yun ang totoo, gusto ko lang na maka-graduate siya."