Gretchen at Claudine Barretto, pinatunayang "blood is thicker than water"

by Jojo Gabinete
Feb 27, 2019
PHOTO/S: Courtesy of Dolor Guevarra

Happening now: ang pagkikita ng magkapatid na Claudine at Gretchen Barretto.

Umaga pa lang, nagpunta na si Claudine sa Forbes Park residence ni Gretchen at ng long-time partner nitong si Tonyboy Cojuangco.

Claudine and Gretchen Barretto
 IMAGE Courtesy of Dolor Guevarra

May pasalubong si Claudine na mga alimango at sugpo mula sa Roxas City, samantalang nagpahanda naman si Gretchen ng mga pagkaing pinagsasaluhan nila ngayon ng kanyang kapatid na bunso.

Continue reading below ↓

Muling nagkasundo ang estranged sisters sa Resorts World Manila bago naganap ang Chinese New Year noong February 5, 2019.

Since then, nagkaroon ang dalawa ng constant communication at nang ma-confine si Claudine sa ospital, si Gretchen ang nag-alaga at nag-asikaso sa kanya.

Ngayon lamang natuloy ang pagbisita ni Claudine sa bahay nina Gretchen at Tonyboy dahil sa hospital confinement niya.

Ikinatuwa ng mga supporter ng magkapatid ang pagbabati nila dahil muling napatunayang "blood is thicker than water."

Continue reading below ↓
Gretchen Barretto and Claudine Barretto with Dolor Guevarra
 IMAGE Courtesy of Dolor Guevarra
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy of Dolor Guevarra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results