Alessandra de Rossi, di ibinabase ang popularidad sa Instagram likes

IMAGE Alessandra de Rossi Instagram

To date, mahigit sa kalahating milyon ang Instagram followers ni Alessandra de Rossi, pero hindi raw ang tipo niya ang nagbabase ng popularidad at success sa dami ng likers sa kanyang mga post.

Sabi niya, "I think ang success ng isang tao, masaya ka sa ginagawa mo. Kung masaya ka sa maraming likes, e, di successful ka.

"Ako, masaya sa bahay. Masaya akong mag-isip ng concept. Yun ang success for me, yung happy ka sa ginagawa mo."

Ipinagtapat din ni Alessandra na nahihiya siya kapag ang mga selfie photo ang inilalagay niya sa kanyang social media accounts.

"Iba kasi ang selfie, ikaw yung naghanap ng anggulo mo. Naniwala ka na this is your best angle at ipinost mo siya.

"Yun ang nakakahiya doon, ha? In fairness, ito ang pinaniniwalaan ko.

"Mahiyain ako sa ganoon, pero bilib ako sa mga tao na magaling mag-selfie.

"Grabe, no filter. Alam ko na sobrang ganda ko. I think sure na ako doon," pabirong sabi ni Alessandra, pero nahihiya pa rinng mag-post ng selfie pictures.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
View this post on Instagram

Achievement Unlocked! May bangs ka na!!! You may now move on to babai-babaihan roles!

A post shared by Alessandra De Rossi (@msderossi) on

Patuloy niya, "It's not mababaw. Ang opinyon ko lang, ang Instagram ng mga tao ay tungkol sa mga bagay na gusto niya.

"May mga tao na travels lang nila ang ipinu-post nila, may mga tao, work lang ang ipinu-post nila, business lang, whatever. Yun ang gusto mong i-share sa kapwa mo.

"May mga tao na selfie lang, praises ang hinahanap, kung anuman yun.

"Ako, gusto ko lang i-share yung color ng sky kasi gandang-ganda ako.

View this post on Instagram

Ay dumami! Gising na @assuntaledesma! Birthday mo na talaga!!! ð???ð???ð???

A post shared by Alessandra De Rossi (@msderossi) on

"Yung sarili ko, puwede bang sa akin na lang yun? Puwede bang sa movie na lang yun?

"May mga tao na pusa lang nila ang isine-share kasi yun ang passion nila or food lang."

View this post on Instagram

Okay, i pose supermodel because I like you - ð??½

A post shared by Alessandra De Rossi (@msderossi) on

Lately, puro ang mga litrato niyang nakasuot ng two-piece swimsuit ang mga social media post ni Alessandra na may libu-libong likers at inspirasyon ng mga kababaihang nangangarap magkaroon ng magandang pangangatawan, gaya ng outspoken at talented actress.

View this post on Instagram

Laban mga kapatid!!! Swipe left to see kung sino ang tunay na lumabaaaaan!!! @ermatsko, no filter ka!!!

A post shared by Alessandra De Rossi (@msderossi) on

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close