Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Edgar Allan Guzman, itinangging di naging maganda ang pag-alis niya sa dating manager

by Jojo Gabinete
Mar 1, 2019
PHOTO/S: KapusoPR Girl Instagram

Without batting an eyelash, itinanggi ni Edgar Allan Guzman na may kinalaman ang kanyang rumored girlfriend na si Shaira Diaz sa desisyon niyang lumipat sa talent management agency ni Arnold Vegafria dahil ito rin ang manager ng aktres.

 IMAGE Kapuso PR Girl Instagram

Pinabulaanan din ni Edgar Allan ang mga haka-hakang hindi maganda ang pag-alis niya sa poder ng kanyang former manager for years na si Noel Ferrer dahil maayos daw ang kanilang paghihiwalay.

Continue reading below ↓

Ayon sa Kapuso actor, "Nag-usap kami nang maayos ni Sir Noel.

"Kumbaga, para sa akin, malaki ang utang na loob ko kay Sir Noel and respeto lang.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"So, nag-set ako ng meeting sa kanya, sinabi ko sa kanya, in-explain ko sa kanya ang lahat ng reason ko kung bakit ako magpapalit ng management.

"Para sa akin, hindi na ako bumabata. Ang dami kong realization sa buhay na gusto ko lang masigurado.

"Very vocal naman ako about signing with GMA-7 and GMA Artist Center. Co-manage ako ng ALV at ng GMAAC."

Patuloy ni Edgar Allan, "Alam ko naman na may tampo nang konti si Sir Noel, pero ang mahalaga para sa akin, nagpaalam ako nang maayos.

"Personal akong nagpaalam sa kanya, mag-iiba ako ng management, ita-try ko na magsarili.

"Si Sir Noel naman, hindi siya yung makitid ang utak, matalino naman yun."

Nakausap ng Cabinet Files si Edgar Allan sa grand presscon ng Dragon Lady, ang afternoon prime program ng GMA-7 na mapapanood simula sa Lunes, March 4, 2019.

Continue reading below ↓

Itinanggi ni Edgar Allan na karelasyon pa rin nito si Shaira dahil magkaibigan na lamang sila at, sa ngayon, malabo ang posibilidad na reconciliation.

"As of now, wala pa naman [tsansa na magkabalikan] dahil sa trabaho. May love team siya, si David Licauco.

"Ako, naghahanap ng ka-love team. Gusto ko rin maranasan uli na merong kapareha," sabi niya.

Nangangarap si Edgar Allan na maging ka-love team si Kris Bernal o si Sanya Lopez.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: KapusoPR Girl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results