James Reid, kinumpirmang postponed ang shooting ng Pedro Penduko

by Jojo Gabinete
Feb 28, 2019
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Kinumpirma ni James Reid sa February 28 presscon ng The Cr3W na postponed ang filming ng kanyang fantasy-action movie na Pedro Penduko: The Legend Begins.

 IMAGE Noel Orsal

Nagkaroon kasi siya ng shoulder injury sa martial arts training niya para sa nabanggit na movie project.

"I am still recovering but while recovering, I have other project, another movie I will be doing.

Continue reading below ↓

"But I don’t think I can just say it yet and also the concert [The CR3W]," sabi ni James.

Hinihintay niyang gumaling ang kanyang shoulder injury bago umpisahan ang shooting ng Pedro Penduko.

"I am happy for her," sagot ni James nang tanungin tungkol sa opinyon niya sa Ulan, ang unang pelikula sa Viva Films ng kanyang girlfriend na si Nadine Lustre na hindi siya ang kapareha.

"I was so impressed by the trailer, it looks amazing. I am really very excited for her, I’m very happy for her," sabi ni James.

Ang The CR3W ang major concert nina James, Sam Concepcion, at Billy Crawford sa Smart Araneta Coliseum. Magaganap ito sa April 5, 2019.

Continue reading below ↓
Billy Crawford, Sam Concepcion, and James Reid
 IMAGE Jojo Gabinete

Special guests sa The CR3W ang girlfriend ni James na si Nadine, ang asawa ni Billy na si Coleen Garcia, at si Yassi Pressman, ang kaibigan ni Sam na walang girlfriend sa kasalukuyan kaya nagbirong naiinggit siya sa mga kasama niya sa concert.

Naging consolation na lang ni Sam ang mga sinabi nina James at Billy na iniidolo siya ng dalawa at isa siya sa pinakamagaling na male singer sa Pilipinas.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results