Life story ni Kristofer King sa Magpakailanman, malabong magkaroon ng replay

Life story ni Kristofer King sa Magpakailanman, malabong magkaroon ng replay
by Jojo Gabinete
Mar 4, 2019

"Hindi napag-uusapan" ang sagot ng tao na tinanong ng Cabinet Files tungkol sa possible replay ng Magpakailanman sa isinadulalang life story ng indie actor na si Kristofer King, na napanood sa GMA-7 noong April 27, 2013.

 IMAGE Arniel Serato

Lumutang ang mga haka-hakang baka muling ipalabas sa Kapuso Network ang life story ni Kristofer, na may pamagat na "Bayarang Adonis: The Kristofer King Story", dahil sa pagpanaw niya noong February 23, 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Aljur Abrenica ang gumanap na Kristofer sa nabanggit na episode.

Aljur Abrenica as Kristofer King in "Bayarang Adonis"
 IMAGE Courtesy of GMA-7

Nagkaroon ng katuparang isadula ang buhay ni Kristofer dahil sa suggestion ni GMA-7 creative consultant Jake Tordesillas, na sumakabilang-buhay noong June 2017.

Ang direktor ng "Bayarang Adonis"  ay si Maryo J. delos Reyes, na pumanaw naman noong January 27, 2018.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May mga nagsabing malabong magkaroon ng replay ang "Bayarang Adonis" dahil marami na ang nangyari mula noong April 2013.

Una, hindi na talent ng GMA Network, Inc. si Aljur, na nagsampa ng kaso noong July 2017 para sa rescission ng kanyang exclusive contract sa television station na binigyan siya ng malaking break kaya natupad ang pangarap niyang maging artista.

Pangalawa, talent na si Aljur ng ABS-CBN at hindi maganda ang kanyang pag-alis sa Kapuso Network dahil sa kasong isinampa niya.

Isang milyong piso para sa moral damages, P100,000 para sa exemplary damages at P800,000 para sa attorneys’ at legal fees ang mga hiningi ni Aljur mula sa GMA-7, pero hindi niya nakamit dahil siya rin ang humingi ng tawad sa Kapuso management noong November 2016.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results